ni Rohn Romulo @Run Wild | Oct. 7, 2024
Sa latest post sa Lefty website na isang influencer marketing platform, kasama ang global fashion at style icon na si Heart Evangelista sa Top 10 influencers sa Paris Fashion Week (PFW) together with other famous celebrities tulad nina Kylie Jenner, Rosie & Lisa (of Blackpink), Cardi B at Cha Eunwoo.
Ayon sa naturang post, nakakuha si Heart ng $5.1 million worth of EMV (estimated media value) sa 15 shows na kanyang dinaluhan sa katatapos lang na PFW.
Nag-create nga si Heart (na may 16.2M followers) ng multiple Instagram (IG) posts sa PFW, kung saan ang isa sa mga ito ay paghahanda niya sa Hôtel Lutetia para sa unang nirampahan, ang Dior fashion show.
Matatandaang last June lang, pinangalanan ng Launchmetrics, isang data and technology company, si Heart bilang isa sa Top 5 names para sa segment ng fashion at sportswear, kung saan nagtala siya ng $85 milyon na halaga ng media impact value (MIV).
Pinangalanan din ng Launchmetrics si Heart bilang isa sa Top 5 ambassadors mula sa rehiyon ng Asia-Pacific (APAC), na nagdala ng $3.6 milyong dolyar sa MIV.
Last October 2023, isinama rin siya ng Launchmetrics bilang top influencer sa Milan
Fashion Week, na nagdala ng $1.4 milyon na halaga ng MIV.
Sa Paris Haute Couture Week (PHCW) naman noong Hulyo, 2023, nakakuha si Heart ng $1.27 milyon na halaga ng MIV at noong 2022, naghatid din siya ng $1.4 million worth ng MIV sa PHCW din.
Bukod dito, napasama rin si Heart sa list ng Launchmetrics bilang isa sa Top 10 faces that “drove the highest Media Impact Value", partikular para sa New York at PFW noong 2022.
Ayon sa company, nagtala si Heart ng $429,000 worth ng MIV sa New York Fashion Week (NYFW).
Samantala, ang mga posts ni Heart sa PFW ay nagkakahalaga ng $1.5 milyon MIV.
Ganu’n pala talaga kabongga ang influence ni Heart Evangelista at patuloy niyang pinatutunayan na worth siyang imbitahin sa international fashion events dahil nakaka-deliver nga siya ng multi-million dollars-worth ng media mileage.
Samantala, base rin sa naunang post ng fashion platform na Lefty, naungusan pala ni Pia Wurtzbach-Jauncey (with 14.8M followers) si Heart base sa laki ng nakuha nilang MIV na tinatawag ding EMV (estimated media value).
Pasok sa 4th spot si 2015 Miss Universe, na kumita raw ng $7.59 million (MIV) mula sa 11 runway shows. Kabilang dito ang pagrampa ni Pia sa Dolce & Gabbana, Boss, at Gucci.
Habang nasa 13th spot naman ang asawa ni Sen. Chiz Escudero, na humamig naman ng $2.99 million (MIV) from 16 shows tulad ng Fendi, Diesel, at Gucci.
Kasama sa list sa Top 15 influencers sa Milan Fashion Week (MFW) Spring/Summer 2025 ang mga K-pop stars na Enhypen (1st), Karina ng aespa (2nd), Jin ng BTS (3rd), Jaehyun ng NCT (7th), at Momo ng Twice (10th).
Pasok sa 11th spot ang South Korean actress na si Moon Ga-young at ang Thai actor na si Gulf Kanawut ang nakakuha ng 12th position.
Dahil dito, lalo pa ngang tumindi ang labanan nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach sa pabonggahan sa pagrampa sa international fashion shows.
MAY special treat ang GMA Pictures para sa mga teachers and students, dahil makakakuha sila ng discounted ticket sa mga sinehan, kung saan ipapalabas ang Balota na pinagbibidahan ni Marian Rivera.
Ang kailangan lang nilang gawin ay dalhin ang kanilang valid school ID.
Ang Balota ay isa sa mga box office hits sa Cinemalaya 2024, kaya aabangan kung magiging blockbuster din ito sa muling pagpapalabas simula Oktubre 16 sa bago nitong bersiyon.
Dahil sa mahusay na pagganap ni Marian bilang ‘Teacher Emmy’ sa pelikula ay nagbigay ito sa kanya ng Best Actress award sa XX Cinemalaya Film Festival noong Agosto, na kung saan ka-tie niya si Gabby Padilla (para sa Kono Basho).
Ang Balota ay mula sa direksiyon ni Kip Oebanda. Magkakaroon din ito ng international premiere sa Hawaii International Film Festival (HIFF) sa buwang ito.