ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 25, 2022
After 24 years, muling na-nominate si Megastar Sharon Cuneta sa FAMAS Awards 2022 sa pagka-Best Actress para sa pelikulang ReVirginized na idinirek ni Darryl Yap. Naging usap-usapan nga ang kakaiba niyang pagganap dito bilang Carmela.
Ang naturang pelikula na ipinalabas noong August 6, 2021 sa Vivamax ang nagsilbing pagbabalik ni Sharon sa Viva Films at naging bahagi ng 40th anniversary niya, and for the first time, nakatambal niya si Marco Gumabao.
Huli siyang na-nominate sa FAMAS noong 1998 para sa Nang Iniwan Mo Ako (1997) kung saan nakatambal niya si Albert Martinez, na muli niyang nakasama sa ReVirginized.
Makakatunggali niya sa Best Actress category sina Charo Santos-Concio (Kun Maupay Man It Panahon), Maja Salvador (Arisaka), Nicole Laurel Asensio (Katips), Rita Daniela (Huling Ulan Sa Tag-Araw), at Janine Gutierrez (Dito at Doon).
Ang first FAMAS Best Actress award ni Sharon ay nakuha niya noong 1985 para sa 1984 film na Dapat Ka Bang Mahalin? with Gabby Concepcion.
Nasundan ito noong 1997 para sa Madrasta (1996) kung saan nakamit naman niya ang kauna-unahang Grand Slam Best Actress.
Samantala, nakatanggap na si Sharon ng kanyang first Best Actress award para sa ReVirginized mula sa GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students).
Ngayong July 30 na gaganapin ang awards night ng FAMAS 2022, and for sure, ipinagdarasal ng mga Sharonians na masungkit na ni Sharon ang kanyang ikatlong FAMAS Best Actress trophy.
And hopefully, maka-attend siya, since tapos na ang successful Iconic concert tour nila ni Regine Velasquez-Alcasid sa North America.