ni Rohn Romulo @Run Wild | Oct. 30, 2024
Photo: Jake Cuenca - IG
Isa si Jake Cuenca sa mga itinuturing na pinakamahusay na aktor sa kanyang henerasyon, na more than two decades na sa showbiz industry.
Kaya kaabang-abang ang bago niyang serye na malapit nang mapanood sa Prime Video, ang What Lies Beneath na matutunghayan din sa Kapamilya Channel.
Sa direksiyon ito ni Dado Lumibao mula sa ABS-CBN business unit na RCD Narratives, umiikot ang serye sa isang murder mystery sangkot ang anim na kababaihan at dalawang lalaki.
Ang karakter ni Jake ang magbibigay ng importanteng layer ng suspense at intriga sa istorya habang tumatakbo sa isip ng mga manonood kung siya nga ba talaga ang gumawa.
Bukod dito, kaabang-abang din ang next ni Jake, na this time sa Netflix naman, ang original film na The Delivery Guy (TDG), mula naman sa direksiyon ni Lester Pimentel.
Tumatak sa manonood ang role ni Jake sa action-packed teleserye na The Iron Heart (TIH) bilang si Eros del Rio, ang central antagonist ng second season ng series. May important din siyang role sa critically-acclaimed thriller na Cattleya Killer (CK).
At huli siyang napanood sa Philippine adaptation ng K-drama na What’s Wrong With Secretary Kim (WWWSK) kasama si Kim Chiu at ang best friend niyang si Paulo Avelino.
Samantala, aminado si Jake na matagal na siyang hindi umiinom ng alak at naglalasing.
Matapos ang matinding pinagdaanan pagdating sa paglalasing, lalo na nu'ng bata-bata pa siya at mabilis na ma-depress, ay naging leksiyon na ito sa kanya.
Sey niya, “Quitting alcohol was the most difficult thing I ever had to do. Talagang ang hirap! It’s hard and then you go through a problem and then you wanna drink din, alam mo ‘yun.
“And then you have to really parang go through obstacles to confidently say na, ‘OK, hindi na ako iinom.’ I’ve put in so many years na I can confidently say, ‘Hindi na ako iinom.’ But like a year is not even enough to say that.
“Parang two years you’re just getting the confidence to say it. On the third year mo masasabi na, ‘Okay, I can live without ever drinking again.’”
Hindi na rin daw siya naninigarilyo. Gagawin lang daw niya ulit ito kapag kailangan sa role, para maging kapani-paniwala.
Aminado naman si Jake na mas type niya ang vaping kesa sa smoking, na para sa amin, kung pareho niyang maiiwasan, much better.