ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 6, 2022
Inisa-isa ni Ice Seguerra sa sunud-sunod na Facebook at Instagram posts niya ang mga special guests niya sa Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert na magaganap ngayong October 15 (Saturday, 8 PM) sa The Theater at Solaire.
Para kasi sa singer-songwriter at direktor na rin, dream come true nga na makasama ang mga OPM icons na tulad din niya, na iniidolo talaga sa music industry.
Sa kanyang post, may kuwento si Ice at pasasalamat sa magiging bahagi ng kanyang first major concert in 10 years at first time rin siyang magpe-perform bilang Ice.
Isa nga rito si Regine Velasquez-Alcasid na walang kaabug-abog na pumayag na mag-guest.
Say ni Ice, "I grew up listening to Ate Reg's music. Sino ba namang hindi, 'di ba? Pinipilit kong abutin 'yung mga high notes niya nu'ng bata ako. Kaso, wala talaga, eh. Kaya kapag lasing ako at may lakas ng loob, sa bidyoke ko talaga kinakanta 'yung mga songs niya. Doon ko lang nailalabas ang inner Regine ko, pero never kong kinanta during a gig, kasi baka batuhin ako ng mga tao dahil pipiyok ako to the max.
"I've always looked up to her 'coz she's the kind of artist who really brings out the best sa mga kasama niya. Whether on stage or backstage, hindi niya ipaparamdam sa iyo na siya si Regine.
Itataas ka pa niya at papalakasin ang loob mo. Pero pramis, 'pag siya talaga kasama ko mag-perform, grabe ako mag-aral ng kanta. Haha!
"Kaya when she easily said yes to joining me on stage for #BecomingIce, nawindang ako nang bongga. And yes, maglalakas-loob akong kantahin ang mga kanta niya so please, be kind to me, guys.
"Ate Reg, you've remained to be an inspiration not just to me but to countless artists. Hindi lang dahil sa talento mo pero dahil sa kung sino ka bilang tao. Thank you for saying yes to me."
Nauna naman siyang nagbigay ng pa-tribute kina Martin Nievera at Gary Valenciano.
Message niya kay Concert King, “Nu’ng bata ako, bago ko pa ma-realize na siya si Martin Nievera, tambay na ako sa bahay nila. Nakiki-swimming, nakikikain, feeling kapatid ng mga kids niya. Haha!
“Kuya Martin is the type of person na kahit isa na siyang haligi sa industriya, never niyang ipinaramdam sa amin 'yun. Kuya siya ng lahat. I remember when we did shows in Japan, kahit madaling-araw at maliit na venue, hindi nagbago ang performance niya. Du’n talaga ako napahanga sa kanya, lalo na kung paano siya makitungo sa mga taong nasa paligid niya.
“He’s someone I really look up to, mula noon hanggang ngayon, not just because of how good he is pero dahil sa puso niyang napaka-generous.
“I love you, Kuya Marts! I’m so glad na magkasama tayo sa concert ko on October 15.”
Para naman kay Mr. Pure Energy, “Idol ko na si @garyvalenciano nasa tiyan pa lang yata ako ng nanay ko. I grew up listening to his songs. Ginagaya ko mga asta niya, from his dance moves hanggang panginginig ng baba, plakado dapat.
“Never ko inakala na 'yung ultimate idol ko, eh, makakasama ko. Naging tatay ko siya sa Papa’s Girl (movie), nakasama ko rin bilang isang manganganta, nag-mentor pa kami sa Elements Camp together, at pinalad akong mai-direct siya sa isang production number for an event.
“His artistry knows no bounds, he’s the ultimate professional. Napakaganda ng work ethics, marunong sumabay sa bago without losing his identity. Mapa-dance songs o ballads, alam mo ang tatak ni Gary V.
“Parang bawat stage ng buhay ko, 'andiyan si Tito Gary kaya sobrang saya ko na kasama ko siya to celebrate my 35th anniversary in the business.
“Thank you for continuing to inspire me with your excellence, hard work, and generosity. Tito Gary. Can’t wait to do this concert with you.”
Ang gaganda rin ng kuwento ni Ice sa iba pang magiging guests na sina Princess Velasco na madaling nakagaanan ng loob dahil walang arte at very professional; Juris na parang boses-anghel na naging kaibigan niya dahil sa siomai at 'di mako-complete ang concert kung wala ito; at si Sitti na masarap kasama dahil loka-loka at wala ring arte.
Nandiyan din ang Tres Marias na sina Cooky Chua (Color It Red) na hinangaan at kinaadikan niya nu'ng '90s, Bayang Barrios (Bagong Lumad) at Lolita Carbon (Asin) na nagpa-realize kay Ice ng love niya sa pagkanta at nagdadala sa kanya sa ibang dimension.
Ang isa pang OPM icon na si Chito Miranda (Parokya Ni Edgar) na iniidolo ni Ice simula pa noong bata at malaki rin ang impluwensiya sa kanya ng 90's bank breakout ay guest din.
Pasok din sa listahan ang queens ng Drag Race Philippines kung saan si Ice ang nagdidirek ng Drag Race PH Untucked.
Ang naturang concert ay produced ng Fire and Ice Media Productions, Inc. at Nathan Studios.
Sa mga wala pang ticket, buy na!