ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 17, 2022
Super successful ang Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert ni Ice Seguerra na ginanap last Saturday, October 15 sa The Theater at Solaire dahil punumpuno talaga.
Para sa singer-songwriter at direktor, dream come true nga na makasama ang mga OPM icons na tulad din niyang iniidolo talaga sa music industry, na pawang nagpaunlak na maging panauhin sa kanyang napaka-special na concert.
Nagsimula ang mapusong concert ni Ice sa pag-awit ng As If We Never Said Goodbye (mula sa Sunset Boulevard), na bagay na bagay sa muli niyang pagbabalik sa concert stage.
Sa panimula pa lang ng kanta, nakaka-goosebump na… "I don't know why I'm frightened... I know my way around here...”
Sa bandang huli, bumirit si Ice ng... "I don't want to be alone, that's all in the past. This world's waited long enough. I've come home at last!
"And this time will be bigger. And brighter than we knew it.
"So watch me fly, we all know I can do it...”
Ang first guest ni Ice sa kanyang unang major concert in 10 years ay ang kanyang tatay-tatayan at bossing ng bansa na si Vic Sotto. Nag-duet sila sa touching song na Somewhere Out There na kinanta na nila noong bata pa si Aiza, na after ng song, sabi ni Vic, “'Wag kang iiyak!”
Next set ang nakakaaliw na version ni Ice ng mga songs tulad ng Part of Your World at Home.
Kasunod nga nito ang paglabas ni Concert King Martin Nievera para maka-duet si Ice sa Sun and Moon (from Miss Saigon).
‘Kaaliw ang pagpapa-girl ni Ice bilang Kim, binuhat pa siya ni Martin, talagang in character siya.
Ikinuwento ni Ice ang mga pinagdaanan niya, mula sa pagiging child superstar hanggang sa dumating sa awkward stage, kung saan unti-unti nang nawala ang kanyang ningning, hanggang sa muling nakabalik dahil sa kanyang hit song na Pagdating ng Panahon.
Isa namang nakakaiyak at madamdaming kanta ang kanyang ibinahagi, na sobrang ninamnam ng mga nanood, ang Minsan Ang Minahal Ay Ako.
Hindi naman mawawala sa repertoire ni Ice ang mga minahal na version niya ng mga popular songs tulad ng Aubrey, Longer at Here, There and Everywhere, na kaysarap pakinggan sa linis ng boses niya, na parang ibinabalik ka sa nakaraan.
Matapos ang pagse-senti, lively song naman tulad ng Wannabe (Spice Girls) kasama sina Juris, Princess Velasco at Sitti. At nakipagbiritan din si Ice sa kanta ni Whitney Houston na I Will Always Love You.
After nito, nabulabog lalo ang The Theater sa paglabas ni Chito Miranda. Patok na patok pa rin ang 214 (Rivermaya), Banal Na Aso, Santong Kabayo (Yano), at Buloy (Parokya ni Edgar). Kinanta rin nila ang Alapaap ng Eraserheads.
Sunud-sunod niyang ipinarinig ang mga songs na pinasikat niya — Pakisabi na Lang (The Company), Akala Mo at Para Sa 'Yo.
Balik-senti uli sa isa-isang paglabas ng Tres Marias na sina Cooky Chua (Color It Red) with Paglisan, Bayang Barrios (Bagong Lumad) with Isipin Mo Na Lang at Lolita Carbon (Asin), na nakikanta talaga ang audience sa walang kamatayang Himig ng Pag-ibig.
Nagbalik si Juris para sa duet na 'Di Lang Ikaw, na composed nila ni Ice at minahal nang husto dahil maraming naka-relate sa mapanakit na awitin.
'Di rin puwedeng mawala ang award-winning song ni Joven Tan na Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa.
Isa sa mga inabangang guests ni Ice ay si Songbird Regine Velasquez-Alcasid, na halos magkasabayan daw sila. May time pa na nagkasabay ang hit song nila na Pangako at Pagdating ng Panahon na naglaban sa number 1 & 2 spot sa mga FM stations.
Say pa ni Regine, bata pa lang si Aiza ay icon na ito sa showbiz industry, tapos ngayong Ice na siya, icon pa rin siya, na sa totoo naman.
Natupad na nga ang dream niya na makakanta ng song ni Regine. Ang ganda ng version niya ng Tanging Mahal, damang-dama talaga. Bumirit naman si Regine sa Dadalhin. Nag-duet sila sa Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.
Next niyang kinanta ang Sana Maulit Muli. Sayang nga lang at wala si Mr. Pure Energy Gary Valenciano, na super idol talaga niya ever since at nakasama pa sa movie noong bata pa siya.
At dahil nga may US tour si Gary, nag-send na lang ito ng mensahe at nakipaghatawan na lang si Ice through video.
Ang huling guests ni Ice ay ang mga fabulous Drag Queens ng Drag Race Philippines, na kung saan si Ice ang nagdidirek ng Drag Race PH Untucked. Kinanta nila ang I Am What I Am at I Will Survive. Grabe ang tilian sa audience, may mga fans sila, in fairness.
Teary-eyed kami, na for sure, maraming nadala nang awitin niya ang Moon River para sa namayapang ama. Sobrang touching, kaya 'di napigilan ni Ice na umiyak at nag-take two para tapusin ang kanta.
Sunud-sunod siyang nagpaluha dahil sa Ugoy ng Duyan para kay Mommy Caring at Not While I'm Around na para naman sa anak nila ni Liza Diño na si Amarah.
Ang Araw Gabi ay para naman sa misis niya. Kinanta rin niya ang Ikaw Pala 'Yon na composition ng asawa bilang wedding gift sa kanya.
At bilang nanay-nanayan at parte na nga ng pamilya, pinaakyat din ni Ice si Sylvia Sanchez na co-producer din ng concert. Nakakaloka, dahil bukod sa mensahe ay nakipag-jamming siya sa Kahit Maputi Na ang Buhok Ko.
Ang closing song ni Ice ay ang Pagdating ng Panahon, kasunod ang mga encore songs like This Is Me and Both Sides Now.
Kulang ang three hours sa mapusong concert na Becoming Ice.
Super congrats, Direk Ice! Ang naturang concert ay produced ng Fire and Ice Media Productions, Inc. at Nathan Studios.
At dahil nga super successful, dapat na sigurong pagplanuhan ang repeat, and hopefully live nang makahatawan ni Ice si Mr. Pure Energy.