ni Rohn Romulo @Run Wild | March 6, 2023
Free agent na ngayon si Megastar Sharon Cuneta matapos ang tatlong dekada ng pagiging exclusive artist niya sa Kapamilya Network.
Sa Instagram post niya, nagpahayag siya ng walang katapusang pasasalamat sa ABS-CBN, at forever siyang magiging Kapamilya at patuloy na susuporta sa network kung kinakailangan.
"I have been and will always be a Kapamilya," panimula ni Mega.
"I have been with ABS-CBN since 1988, when they were just rebuilding their station from the ground up after years of closure by the then-Philippine government. I did three shows with them which carried my name - The Sharon Cuneta Show for eleven years, SHARON for 6 years, and the third, also called SHARON, for another 6 or so years."
Dagdag pa niya, "I did Star Power, The Biggest Loser, was a coach on The Voice Kids and The Voice Teens, and a judge in Your Face Sounds Familiar.
"And of course, FPJ’s Ang Probinsyano, which I owe largely to my “son” @cocomartin_ph, who handpicked me for the role of Aurora Guillermo."
Sa naturang IG post, inamin ni Sharon na matagal na siyang walang kontrata, at sa tingin niya ay nasa tamang panahon at handa na siyang magkaroon ng bagong pagkakataon na makapagtrabaho sa ibang networks tulad ng GMA-7 na puwede niyang balikan.
"For the first time in all these decades, I don’t have a long-term contract with my station. I know it is a number of things that have caused this. We lost our franchise, the station has way too many stars now and we of the “old guard” have to give way.
"So while I will always be there when they need me and will always be grateful, I guess it is understandable that I for now consider myself a free agent.
"It’s time I opened myself up to other stations that may need my services, while always keeping my Kapamilya “duties,” if and when they come. One goes only where one is needed."
Paglilinaw pa niya, "And no, wala pa akong nakakausap na kahit sino mula sa kahit anong istasyon, for the record lang po."
Panghuling mensahe ni Sharon sa kanyang mother studio, "I love you, ABS-CBN. My memory and loyalty are unquestionable. But a girl’s gotta work where she can and where she’s wanted.
See you again hopefully soon, whenever you may need me!"
May pahabol pa ito na para kay Coco na labis niyang pinasasalamatan, kasama ang pa-hashtags sa mga executives ng ABS.
"Coco, anak, ikaw ang may malasakit sa 'kin at lagi akong iniisip. Abot-langit ang pasasalamat ko sa 'yo at habambuhay kitang mamahalin! #coryvidanes #carlokatigbak #marklopez @direklauren @michellearville @ernielopez_ph @deo_endrinal @malousantos03 @direk.olivialamasan"
At ngayon ngang in-announce ni Mega na free agent na siya, komento ng netizens, baka naman magkainteres sa kanya ang GMA-7 na una niyang pinanggalingan, na mabigyan siya ng talk show or teleserye.
Welcome naman ito kay Sharon, dahil marami siyang friends doon at never daw nawala ang love and respect sa kanya, kaya nakakapag-guest siya sa GMA shows kahit Kapamilya star siya.
Pero inulit ni Mega na, "For the record I have not spoken to anyone from any other station. I just have no work yet at ABS-CBN. Seven months na. For the first time."
Dagdag pa niya, kahit saang istasyon, na puwede nga naman tulad ng NET25 na nagpapalakas ngayon ng mga bago nilang shows, kung saan may show na ang mga mahal na mahal ni Mega na sina Tito, Vic & Joey.
"Kahit naman saan basta matino (ang) trabaho. Kung saan ako kailangan at gusto. Kung may work naman sa ABS, 'di ako aalis. 'Di naman ako umaalis, naghihintay lang, pero 'di naman kayang maghintay forever."
At tama nga ang sinabi ni Sharon nang makausap namin siya sa celebrity screening ng Batang Quiapo na ilang buwan na siyang nakatambay lang at walang trabaho, kaya nga nagbiro pa siya nu'ng magkakasama silang lahat sa isa o dalawang rows na pawang jobless after ng Ang Probinsyano.
Wala pa namang kasiguruhan ang TV series na ipinitch sa kanya na pang-international release. Soon to start pa lang ang The Mango Bride na super excited na niyang masimulan.
Meron din umanong inihahanda ang Viva Films para sa kanya.
Abala umano ito sa pagpapatuloy ng concert series nila ni Regine Velasquez sa Amerika ngayong March 17, 18, 19, 24 and 26.
Good luck our Megastar, at saanmang istasyon siya mapunta ay susundan at susuportahan pa rin ng mga Sharonians at patuloy na magniningning ang kanyang bituin.