ni Rohn Romulo @Run Wild | March 14, 2023
Bago ang awards night, nakatsikahan naman namin ang Jury Chair ng 1st Summer MMFF na si Dolly de Leon, na aminadong hindi naging madali ang deliberation nila na umabot nang 6 hours.
"Medyo mahirap," pag-amin ni Ms. Dolly na soon ay mapapanood sa Grand Death Lotto with John Cena, Awkwafina and Simu Liu na idinirek ng three-time Oscar nominee na si Paul Feig.
"Meron kaming criteria na sinusundan na provided ng Summer MMFF. Pero, meron din akong sariling take."
Tatlo nga lang ang nakapasa sa taste ng Board of Jurors sa Best Actress at anim naman sa Best Actor, na kung saan nalaglag si Coco Martin at tinalo pa siya ng Korean actor na si Yoo Min-Gon.
Sagot naman ng award-winning actress tungkol dito, "Unfortunately, you cannot please everybody. Hindi naman sinasabi na discounted siya (Coco), it is just naging mahirap para sa aming lahat 'yung desisyon. Believe it or not, it is not easy for us to come out with this results.
But, this is all for the best. At the end of the day, this is really for the industry. If they feel bad, that's normal and natural and I know how that feels. So, naiintindihan ko kung may masama man ang loob."
Dagdag pa ng international actress kung bakit 'di napabilang si Coco sa list at tatlo sa Best Actor, "Kasi ang style of voting naman, each vote got a point. So, that means na malaki ang agwat. Kung anim po 'yun, ibig sabihin, kakaunti ang agwat nila, so, we included all of them.
"Kaya tatlo lang (sa Best Actress), dahil malaki ang agwat ng pang-apat, kaya hindi na namin isinama."