top of page
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 23, 2024

 

Kinabiliban ng mga karerista ang naging performance ng Hans City nang manalo ito sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

 

Nagmasid muna sa pang-apat ang Hans City na sinakyan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce habang nagbabanatan sa unahan ang matutulin sa largahan na Veterano at Money For Gabriel.

 

Papalapit ng far turn ay kumukuha na ng unahan ang Money For Gabriel habang kumakapit na ang Hans City at beripikadong lalampas. Bago sumungaw sa huling kurbada ay inagaw na ng Hans City ang unahan, segundo na ang Money For Gabriel habang papalapit na rin ang Ruby Bell at Hook On D Run.

 

Pagdating sa rektahan ay umungos na ang Hans City at nanalo ito ng may dalawang kabayong agwat sa pumangalawang Front Runner sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.

 

Ipinasa ng Hans City ang tiyempong 1:27.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Louise Ann Decena ang P11,000 added prize.


Nasikwat ni Joseph Dyhengco ang Breeder's purse na P4,500 habang tig-P1,000 at P500 ang second at third ayon sa pagkakasunod.

 

Pangatlong dumating ang Ruby Bell habang pumang-apat ang Veterano.

 

Samantala, isasali sa matinding ensayo ang Hans City para paghandaan ang sasalihang malaking stakes race. 

 

 

 

 

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 22, 2024

 

Napahirapan ng husto si Creation Of Adam bago nasilo ang panalo sa 2024 PHILRACOM "3-Year-Old & Above Maiden Race" na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanuan City, Batangas noong Sabado ng hapon.

 

Pinasibat ang nasabing event sa pangalawang karera. Kumaskas agad si Creation Of Adam para hawakan ang bandera paglabas ng aparato pero makalipas ang ilang metro ng karera ay kinapitan na siya ng American Ford at Mink Coat.


Papalapit ng far turn ay sina Creation Of Adam at Mink Coat na lang ang nagtatagisan ng bilis sa unahan habang nasa likuran nila sina American Ford, Rock Hard Mine at Service De Luxe.


Hindi nasiraan ng loob si Creation Of Adam na sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema, naging matatag ito at pagsapit ng home turn ay nasolo na nito ang unahan.


Kaya naman pagtawid ng meta ay nasa limang kabayo ang agwat ni Creation Of Adam sa pumangalawang si American Ford habang tersero si Service De Luxe.


Inirehistro ni Creation Of Adam ang tiyempong 1:29 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Benjamin Abalos Jr. ang P22,000 na added prize.


Si Abalos din ang breeder kaya nasungkit din nito ang Breeder's purse na P4,500 habang tig-P1k at P500 ang second at third ayon sa pagkakasunod.


Samantala, pitong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. noong Sabado kaya naging masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang. 


Balik agad sa ensayo si Creation Of Adam para ihanda sa mas malaking karera kaya tiyak na aabangan ito ng mga karerista. 

 

 

 

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 21, 2024

 

Masisilayan  ng mga karerista ang husay ni Creation Of Adam pagsalang nito sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema, makakatagisan ng bilis ni Creation Of Adam ang anim pang batang kabayo sa distansiyang 1,400 meter race.


May nakalaan ang P22,000 added prize ang ibang kalahok ay sina Rock Hard Nine, Service De Luxe, American Ford, Bread N Butter, Tawi Tawi Island at Mink Coat.


Posibleng maging hadlang ni Creation Of Adam sa inaasam na panalo ay sina Rock Hard Nine at Service De Luxe.


"Magaling na kabayo sina Rock Hard Nine at Service De Luxe kaya posible nilang masilat si Creation Of Adam," saad ni Victor Legaspi veteran karerista. Hahamigin ng breeder ng mananalong kabayo ang P4,500 habang tig- P1,000 at P500 ang second at third ayon sa pagkakasunod. Pasisibatin ang nabanggit na karera sa Race 2, kung saan ay suportado ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Samantala, 7 races ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Sabado kaya naman tiyak na masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang. 


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Laughing Tiger (1), Double Strike (4)

Race 2 - Creation Of Adam (2), Rock Hard Nine (1), American Ford (4)

Race 3 - Oradas Gray (6), Don Pedro (4)

Race 4 - Rise Up (6), Lady Of Peace (4)

Race 5 - Matikas (4), Queen Gabi (2)

Race 6 - Performance Gear/Mythic Layla (6/6A), Moment Of Truth (2), Caring Melody (3)

Race 7 - One Of A Kind (6), Go Gee Go (5), Double Happiness (3)    

 
 
RECOMMENDED
bottom of page