ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-22 Araw ng Abril, 2024
“Anak….?” hindi makapaniwalang sabi ni Via.
Nanlaki ang kanyang mga mata. Talagang hindi niya inaasahan na maririnig dito ang mga katagang iyon.
“Yes,” mariing sabi ng matandang lalaki na hindi naman niya kilala.
“So, ikaw si Dennis Jose?” Wala sa loob niyang tanong.
Iyon kasi ang pangalan na madalas binabanggit ng kanyang ina. Pero, mula nang dumating sa buhay nila si Pedro, hindi na ito nabanggit ng kanyang ina. Hindi na rin naman niya hinahanap-hanap ang kuwento tungkol sa kanyang ama, dahil napunan din naman ni Pedro ang pagmamahal na hinahanap-hanap niya. “Yes, ako nga,” wika nito.
Unang kita pa lang niya sa matandang lalaki, may kaba na siyang naramdaman. Ngunit, ayaw niyang bigyan iyon ng anumang kulay. Isa pa, ayaw din niyang paasahin ang kanyang sarili.
“Pero, hindi pa rin ako nakakasiguro na mag-ama tayo,” matabang niyang sabi.
“Nakasisiguro ako.”
Tumingin siya rito at ipinakita niya ang pagkunot ng kanyang noo. Gusto niyang magtanong, ngunit hindi niya magawa.
“DNA test.”
“Kumuha ka ng sample sa akin nang hindi ko namamalayan?” Hindi makapaniwalang sabi niya.
“Kaya ba mas kakampihan mo si Nhel?” Matapang na tanong ni Jake sa kanyang ninong.
Marahas na buntong hininga ang pinawalan ni Jake at sabay sabing, “Lahat na lang kasi ng gusto ko, inaagaw niya. At ngayon, ikaw naman ang…”
“Mag asawa na kami ni Nhel bago kita makilala,” asar niyang sabi.
Nawala lang ang pagkaasar niya nang biglang rumehistro sa mukha niya ang mukha ng kanyang asawa. At doon niya napagtanto na miss na miss na niya ito.
Itutuloy…