ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 17, 2020
Pinayagan ni Manila Mayor Isko Moreno na magdaos ng Simbang Gabi mula Disyembre 16 ngunit 30 percent capacity lamang ang maaaring pumasok sa simbahan kada misa.
Pinag-usapan nina Moreno at Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator of Manila ang mga patakaran sa darating na Simbang Gabi at maging ng Traslacion sa susunod na taon.
Sa ngayon ay 30 percent capacity lamang ang maaaring pumasok sa simbahan kada misa at pag-aaralan pa kung maaari itong dagdagan para sa mga deboto.
Saad ni Pabillo, "Para po hindi magkasama-sama ang mga tao, bigyan kami ng pagkakataon na damihan 'yung misa. Kaya i-consider nila 'yung curfew, para magkaroon tayo ng maraming misa at hindi magkadikit-dikit ang mga tao.”
Samantala, buo ang desisyon ni Moreno na pansamantalang hindi ituloy ang Traslacion sa Enero hanggang wala pang bakuna laban sa COVID-19. Aniya, "If we have the same situation today come January, it's a no-no.”