ni Mharose Almirañez | February 13, 2022
Alam mo bang hindi lang mga ‘in a relationship’ ang puwedeng maging masaya tuwing Valentine’s Day? Iba’t iba man ang pananaw ng bawat tao sa pakikipagrelasyon, kailanman ay hindi naging kapintasan ang pagiging single.
Sabi nga nila, happiness is a choice. If you will never be happy being single right now, you will never be happy when you get married. Oh, ha! English ‘yan!
Kaya kung single ka man ngayon, dapat mo ‘yang ipagdiwang, sapagkat narito ang labing-apat na dahilan kung bakit kailangan mo ‘yang i-take as an advantage:
1.MAS MARAMING PERA NA MAI-SPEND PARA SA SARILI. Siyempre kapag may dyowa, required kang magbigay ng regalo at gumastos para sa date n’yo. Pero dahil single ka, aba’y napakalaking tipid nu’n!
2. MAS MARAMING ORAS PARA MATULOG. As usual, hindi ka mapupuyat mag-countdown para sa Valentine’s Day, monthsary, anniversary at birthday kasama ang isang tao. Hindi ka rin mapupuyat kale-late night talk, kumbaga, 8 hours of sleep is unlocked.
3. WALANG DYOWA NA KAILANGANG I-UPDATE. Hindi ka required mag-chat o text kung nakauwi ka na, kung nasaan ka na, kung sinong kasama mo at kung ano’ng ginagawa mo from time to time. Wala kang babatiin ng “good morning” everyday at tatanungin kung kumain na ba siya 3 times a day.
4. WALANG MAGAGALIT ‘PAG HINDI KA NAKAPAG-REPLY. Dahil single ka, puwede ka magreply kapag na nasa mood ka na. Malaya kang maging snober. No more “Sorry late reply, babe.”
5. WALANG MAKIKIALAM SA GUSTO MO. Para sa girls, kung gusto mong magsuot ng maikling palda, shorts, sleeveless or labas-cleavage na damit, oks lang. Walang magagalit. Para naman sa boys, walang makikialam sa gusto mong haircut. ‘Yung ibang girls kasi ay nagiging controlling, to the point na pati hairstyle ng guy, dapat may sey din sila.
6. MAS MARAMING TIME SA FRIENDS/FAMILY. Kapag nagyaya silang mag-bonding, makakasama ka agad. Take note, walang curfew. Wala ring magbabawal sa iyong magpakalasing at pumunta kung saan-saan nang hindi siya kasama
7. PUWEDENG GUMALA NANG HINDI NAGPAPAALAM. Masarap kaya sa feeling na hindi ka guwardyado. ‘Yung iba kasi, tumatakas kapag hindi pinayagan ng dyowa, eh!
8. PUWEDENG MAKIPAG-USAP SA KAHIT SINO. ‘Yung ibang dyowa kasi ay malisyoso. Kinausap mo lang saglit ‘yung guy or girl, akala agad ay may ginagawa na kayong milagro. At least, kung single ka, walang may karapatang magselos.
9. PUWEDENG MAKIPAG-FLIRT/DATE KAHIT KANINO. Ito ‘yung pinakamasayang part sa pagiging single. You may flirt or date as many as you want, but don’t forget to play your cards right.
10. MAY MASAYANG MENTAL HEALTH. Ito ‘yung hindi ka mai-stress sa kaiisip kung bakit ang tagal niyang magreply at kung sino ang kasama niya. In short, hindi ka mapa-paranoid kaiisip kung nagtsi-cheat ba siya sa ‘yo.
11. STRONG INDEPENDENT PERSON. Puwede ka mag-decide nang hindi dumedepende sa isang tao. Kumbaga, kapag gusto mo ‘yung isang damit, bibilhin mo na agad at hindi mo na kailangang magtanong ng, “Babe, bagay ba sa ‘kin ‘to?” Hindi mo rin kailangang magpabebe sa boyfriend mo para lang buhatin ‘yung mga pinamili mo kasi strong ka. Kayang-kaya mong umuwi mag-isa nang walang inaasahang susundo sa ‘yo.
12. MAS MARAMING OPORTUNIDAD. Dito mo madi-discover kung saan ka ba talaga magaling. Anu-ano ba ang skills na puwede mong i-develop? Maraming career opportunity na puwede mong tanggapin. Halimbawa, job offer abroad. Siyempre, kung may dyowa ka, iisipin mo pa kung paano na ang relationship n’yo ‘pag umalis ka, unlike kapag single ka.
13. SANAY KA NA. Nati-trigger ka lang naman tuwing Valentine’s Day o kapag may nakita kang mag-dyowa sa mall, o kapag nag-“flex” dyowa ‘yung Facebook friends mo. Maiinggit ka lang saglit, but after that, back to singlehood ka na, tapos mare-realize mo na masarap pa rin talagang maging single.
14. ALAM MO ‘YUNG WORTH MO. Hindi ka kasi nagse-settle for less. Hindi ko naman sinasabing hindi masaya maging in a relationship. Siyempre, given na ‘yung may nagpapakilig sa ‘yo, ‘yung itinatrato kang special, ‘yung ramdam mong siya na talaga ang ‘the one’.
Kaya para sa lahat ng single, Happy Valentine’s Day! ‘Wag mainip dahil hindi ka naman habambuhay na magiging single. Deserve mo maging masaya, kasi jowable ka. Gets mo?