ni Mharose Almirañez | August 28, 2022
May kausap o ka-chat ka ba sa Viber, Discord, Telegram o Instagram? Sure ka bang real account ang gamit niya? What if, taken pala siya sa Facebook? Hindi naman sa pinag-o-overthink kita, pero paano kung bigla ka na lamang maka-receive ng message request mula sa totoo niyang partner? Ready ka na bang ma-flex sa social media bilang kabet, mang-aagaw, malandi at haliparot?
Alam naman nating lahat na walang kahit sinong tao na pinangarap maging third party in the future. Subalit paano nga ba makikilatis ang mga taong taken na, pero feeling single pa rin— partikular na sa social media?
Upang matulungan kitang makaiwas sa heartache, narito ang iba’t ibang social media applications na madalas gamitin ng mga cheater:
1. VIBER. Huwag kang pumayag na Viber lang ang means of communication n’yo, sapagkat puwedeng-puwede siyang kumuha ng photos sa Google para i-send sa iyo. Puwede ring poser pala siya at picture ng friend niya ang pinagse-send sa ‘yo. Puwede ring tsina-chat ka lang niya gamit ang Viber kapag working hours dahil tuwing nasa trabaho lang niya naa-access ang Viber niya at madaling gawing palusot na work-related ang pinag-uusapan n’yo ru’n incase mahuli siya ng boss o partner niya.
2. DISCORD. Sa app na ito madalas mag-usap ang mga gamer. Puwede kang mag-join sa iba’t ibang server. Mayroon ditong group chat at puwede ring mag-direct sa private message ang dalawang indibidwal. Sa oras na maging consistent ang pag-uusap n’yo through PM sa Discord, try mong tanungin ‘yung kalaro mo kung puwedeng mahingi ang Facebook account niya, para ru’n na lang kayo mag-getting to know each other. Mahirap kasi kung hanggang laro lang din ang feelings niya for you. Para naman sa may karelasyong gamer d’yan, subukan n’yo ring tignan ang Discord ng dyowa n’yo. Who knows, sinu-sino na palang pini-flirt na ka-duo niyan.
3. TELEGRAM. Sabi nila, maganda raw mag-send ng pictures and videos dito dahil hindi pixelated o hindi nagbabago ang resolution mula sa original format o size nu’ng isinend na file. Siyempre, puwede ring mag-PM, ‘yun nga lang, iilan lamang ang gumagamit ng Telegram o TG. Kaya paano ka nakasisiguradong seryoso sa ‘yo ang ka-chat mo r’yan?
4. INSTAGRAM. May ilang indibidwal na mas gusto pang gumamit ng IG dahil napaka-toxic daw ng Facebook world. Ito raw ang social media ng mga lowkey. Pero paano kung kalo-lowkey n’yo ay nilo-lowko ka na pala niya? Char!
5. FACEBOOK. Hindi sapat na assurance ‘yung kausap mo na siya sa Facebook, kung saan mo nakikita ang real time Facebook status and story niya, lalo pa’t limitless ang paggawa ng dummy account. Kahit pa sabihing ka-chat mo siya sa real account niya, hindi ka pa rin makasisiguradong single siya hangga’t hindi mo pa siya nami-meet. Iba pa rin siyempre kung willing siyang i-move to the next level ang talking stage n’yo. ‘Yung tipong, ipapakilala ka niya sa parents and friends niya. ‘Yung hindi lang siya sweet sa chat kundi mas sweet pala siya in person. Oh, ‘di ba!
Bukod sa online dating app kung saan kayo nagkakilala ng ka-chat mo, mas exciting talaga kapag nagkayayaan na kayong lumipat at mag-usap sa ibang social media account. ‘Yung tipong, magpo-focus ka na sa kanya at i-ignore-in mo na ‘yung iba mong kausap sa dating app.
But beshie, don’t forget na kung saang social media app o site ka niya dadalhin, sapagkat tulad ng mga nabanggit, napakaraming social media app na puwedeng gamitin sa panloloko.
Kaya shoutout sa mga couple na nagsimula sa Bumble, Tinder, at iba pang online dating apps d’yan! Kabahan ka na kung mas madalas pang hawak ng dyowa mo ang cellphone niya, sa halip ‘yang kamay mo. Hindi naman sa pinag-o-overthink kita, pero what if sa simpleng “Hi” kung paano kayo nag-umpisa, ay sa isang “Hi” rin pala masisira ang relasyon n’yo?
What if lang naman.