ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | September 1, 2023
Bilang isang dog owner, handa nating gawin ang lahat para sa ating mga alagang aso. Katulad na laman ng pagbanggon sa umaga para lang sila ay ipasyal, pagpapatawad matapos nilang sirain ang ating paboritong tsinelas at marami pang iba.
Ang ilan ay naniniwala sa kasabihang ang mga aso ay ang isang “man’s bestfriend” pero ang tanong na gustong malaman ng lahat, mahal din kaya tayo ng ating mga alagang aso? Kung oo, paano natin ito malalaman? Simple lang, dahil sa artikulong ito malalaman na rin natin ang mga sign na mahal ka ng iyong alagang aso nang higit pa sa sarili nilang buhay. Halina’t isa-isahin na natin ‘to!
MASAYA SILA T’WING NAKIKITA KA. Kadalasan sa mga aso t’wing nakikita nila ang kanilang mga amo ay labis ang kanilang galak. Biruin mo ‘yun, ‘yung simpleng pagtahol at pagtalon ay isang na rin pala kung paano nila maipapakita ang kanilang pagmamahal sa iyo.
PAGBIBIGAY SA IYO NG REGALO. Tuwing inaabutan nila tayo ng kanilang paboritong laruan ang buong akala natin ay nais nilang makipaglaro, ngunit kadalasan, binibigay nila ito bilang isang regalo. Gusto nilang i-share ang kanilang paboritong gamit sa mga taong mahal nila.
GUSTO KANG MAKATABI MATULOG. Ang mga aso ay likas na alerto sa mga banta na maaaring mangyari sa ating kapaligiran. Kaya mas nais nilang tumabi sa ating pagtulog ay dahil sa tingin nila ligtas sila sa kapahamakan tuwing katabi nila tayo.
WALANG PAKIALAM SA HITSURA MO. Kung nilalambing ka pa rin ng iyong alagang aso kahit na mabaho ang iyong hininga sa umaga, pawis na pawis sa pag-e-ehersisyo, kahit magulo ang iyong buhok, at haggard, malamang na ito ay isang senyales na mahal talaga tayo ng ating mga alagang aso.
SINUSUNDAN KA. Consider yourself loved kung sa tingin mo ay hindi ka makagawa ng isang hakbang nang wala ang iyong alagang aso. Ang mga aso ay laging nakabuntot sa iyo nang higit pa sa seguridad. Mas gusto nilang makasama ka kaysa sa ibang tao.
Knows n’yo rin ba mga ka-BULGAR na ang brain activity ng mga aso ay tumataas kapag nakakarinig sila ng masasayang tunog, tulad ng mga papuri. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita rin kung paano binibigyang-kahulugan ng mga aso at kanilang mga amo.
Samantala, ang mga aso ay may kakayahan na makita ang mga pagbabago sa boses at kilos ng tao. Kaya naman, sa lahat ng hayop sa mundo, ang mga aso ang itinuturing nating ‘best friend’ hindi ba?