ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 2, 2024
Marahas na buntong hininga ang pinawalan ni Via habang naghahanda ng almusal. Kahit na kinuha ng sapilitan ni Nhel ang kanyang ‘flower’ hindi pa rin dahilan ‘yon para hindi niya ito pagsilbihan. Asawa niya ito kaya dapat lamang na paglingkuran niya ito.
“Sapilitan ba talaga ang nangyari?” Sarkastikong tanong niya sa sarili. Napangiwi rin kasi siya dahil may nanumbalik sa kanyang isipan. Mapupusok man ang halik na ibinigay nito sa kanya, nagawa niya itong tugunin.
“Ano’ng ginagawa mo?” Tanong ni Nhel.
Para tuloy gusto niyang tumawa nang tumawa. Hindi naman kasi maipagkakaila ang panic sa boses nito, pakiwari nga niya ay takot na takot ito ng mga sandaling iyon. Para tuloy gusto niyang isipin na natatakot itong mawala siya.
“Naghahain.”
“Hindi mo kailangang gawin iyan.”
“Eh ‘di namatay tayo sa gutom kapag hindi tayo kumain,” marahan niyang sabi.
“Wala bang lason iyan?” Tanong nito.
“Natatakot ka pa lang mamatay?”
“Bakit mo naman kasi hahayaang mayroong pumatay sa’yo?” Sarkastikong tanong niya.
Gusto sana niyang sabihin kay Via na huwag makialam sa bahay dahil ang mahalaga lang naman para sa kanya ay mapagsilbihan at mapaglingkuran siya ni Via.
“Huwag kang mag-alala hindi ako mamamatay tao at kahit pa killer ako, hindi kita papatayin dahil may pakinabang ka sa akin,” marahan niyang sabi.
“Very good.”
“Huh?” Kumunot pa ang kanyang noo.
Ang nais niya ay insultuhin si Nhel pero parang ikinatuwa pa nito ang kanyang sinabi. “Ano’ng nakakatawa?”
“Mas magandang sabihin na nakakatuwa.”
Hindi niya alam ang ibig nitong sabihin kaya hinintay na lang niya ang paliwanag nito.
“Ano’ng nakakatuwa?”
“Iyong sinabi mo na may pakinabang pa ako sa’yo. Ibig kasing sabihin noon, maaari tayong magsama sa habambuhay.”
“Ano?” Gilalas niyang tanong sa sarili.
Ang alam kasi niya ay maghihiganti lang ito sa kanya.
Itutuloy…