top of page
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Jan. 22, 2025



Photo: Herbert Bautista at Mayor Joy Belmonte - FB

  

Magpa-file ng Motion for Reconsideration sa Sandiganbayan ang abogado ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na si Dean Nilo Divina ng Divina Law Office para sa P32.107 million contract sa isang IT firm na bumili sa isang online occupation permitting at tracking system noong 2019.


‘Deeply saddened’ ang kampo ni Bautista sa naging desisyon laban sa kanya ng Anti-Graft Court Seventh Division nu'ng Lunes.


Base sa official statement ng abogado ni Herbert, “We maintain his innocence and assert that no act constituting the offense was committed. Notably, the vote was split 2-1, highlighting reasonable doubt.


“Evidence presented in the trial confirmed the project was delivered and received by the Quezon City Government, with payment made by the succeeding administration. Mayor Bautista did not financially benefit from the project, and no harm or injury was incurred by the city or its people.


“We will file a motion for reconsideration, hopeful that a thorough review of the evidence will affirm his innocence.”


Open book na si Mayor Joy Belmonte ang humalili kay Bistek bilang mayor ng Kyusi, kaya inaasahan ang magiging sagot naman ng alkalde sa naging pahayag ng kampo ni Herbert.


Samantala, ang Sandiganbayan Special Third Division ay guilty naman ang verdict kay dating Quezon City administrator Aldrin Cuña.


“An indeterminate penalty of imprisonment of six years and one month as minimum to 10 years as maximum,” ang parusa kina Herbert Bautista at Cuña bukod pa sa ‘perpetual disqualification to hold public office.’


 

Isa ang aktres na si Chef Judy Ann Santos-Agoncillo sa mga kumasa sa Halo-Halo challenge ng world-renowned British celebrity chef at TV personality na si Gordon Ramsay na tinaguriang “Rockstar ng Kusina”.


Bilib si Ramsay sa mga Filipino chefs na nakikilala niya sa iba’t ibang bansa.


Ang challenge ay gagawa ng Halo-Halo sa loob ng sampung minuto na may kakaibang sangkap. Ang sikreto ng aktres ay nilagyan niya ng black sesame polvoron ang isa sa mga paboritong Pinoy dessert.


Ayon kay Juday sa panayam sa kanya ng TV Patrol (TVP), “Ibang-iba ang kabog ng dibdib ko kanina (sa entablado), parang ‘di ako ready, parang nahihilo o nahihimatay. Those are the priceless moments talaga. ‘Yung nand’yan kasi s’ya (Gordon Ramsay) sa tabi mo, totoo ba talaga ‘to? Hahaha!


“Probably nakaka-intimidate, of course, for a simple reason because he is Gordon Ramsay plus the fact na napapanood mo s’ya, alam mong world-renowned chef s’ya, sana magustuhan n’ya (halo-halo).”


Sa Facebook (FB) post ni Juday ay nakasaad ang: “It was Chef Juday’s honor to prepare her version of halo-halo for Gordon Ramsay to taste and know of.”


Sabay post ng mga larawan nila ni Chef Gordon, “In action for Gordon Ramsay in Manila – our lovely Chef Judy Anne.


“Preparing and conversing about a dish with Gordon Ramsay is a dream come true moment.”

Samantala, naka-post din ang ibinigay na drawing ng bunsong anak na si Luna kay Chef Gordon at nagpapirma rin ito.


Aniya, “Our bunso, Luna bunny, made drawings of Gordon Ramsay’s famous comments.

“Aw, Thank you, Luna. I love that.”

Pagkalipas ng ilang oras ay muling nag-post ang award-winning actress sa kanyang FB account.


“Wow… sa paanong paraan ko ba puwedeng maikuwento ang araw ko today? Nakakaloka? Nakakabaliw? Napaka-surreal!! Never in my wildest dreams that this would happen in my lifetime.. ilang beses kong kinukurot ‘yung sarili ko.. totoo ba ‘to?


“Pina-prank ba ‘ko? Pero totoo, eh. Gusto kong tumambling sabay split! Simpleng halo-halo lang naman, that we have to finish building in 10 mins. but that was the fastest, nerve wrecking 10 minutes of my life. But, it was the best! Hindi ko alam what I did to deserve this.. but, I am so grateful for the experience. 


“Thank you from the bottom of my heart to everyone involved in this wonderful experience. Thank God my husband and our youngest were there to calm my nerves and palakasin ang loob ko.. to my glam team. (Yes! Pinaghandaan ko talaga ‘to ng todo) @juansarte, @jeffreyaromin, @24c maraming salamat ng bonggang-bongga!


“To my ojph and mylaunchpad family ang saya, ‘di ba? Grabe ‘to! Grabe talaga and of course to my fellow chefs… cheers to all of us. Mabuhay at ilalaban ko ang pagkaing Pilipino!”


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Jan. 21, 2025



Photo: Herbert Bautista - FB


“Hindi pa naman makukulong agad kasi may appeal pa si ex-Mayor Herbert (Bautista),” ito ang sabi ng aming nakausap na taga-Quezon City Hall tungkol sa hatol sa dating ama ng Quezon City.


Makukulong ng anim hanggang sampung (10) taon ang hatol ng Sandiganbayan kay dating Mayor Herbert Bautista sa kasong graft na involved siya sa dalawang government projects noong 2019 at kasama nito ang dating city administrator na si Aldrin Cuña na in-approve ni Ombudsman Samuel Martires noong Feb. 3, 2023.


Matatandaang ang unang kaso ni HB ay tungkol sa release ng full payment na nagkakahalaga ng P32.107 million sa isang IT firm na bumili sa isang online occupation permitting at tracking system atbp..


Ang nasabing transaksiyon ay pinirmahan naman noon ng dating city administrator na si Aldrin Cuña.

Ang ikalawang graft case ay tungkol sa kabuuang bayad na P25.342 million sa iba pang firm para naman sa installation ng solar power system at waterproofing para sa isang civic center building.


Nabanggit ng Ombudsman na si Herbert ang pumirma ng disbursement voucher para sa bayaran na ito kahit may pagkukulang ang kumpanya na makuha ang net metering system mula sa Meralco at si Aldrin Cuña naman ang nag-isyu ng certificate of acceptance.


Base sa desisyon ng Sandiganbayan ay napatunayang nagkasala sina Bautista at Cuña dahil sa anomalya sa procurement ng Online Occupational Permitting Tracking System (OOPTS) na nagkakahalaga ng P32 million.


Bilang isa rin sa mga parusa ay hindi na rin pupuwedeng magkaroon ng anumang posisyon sa gobyerno ang mga nabanggit.


Base sa mga inilabas na CCTV ng GMA News ay sina Herbert at Aldrin kasama ang kanilang mga abogado lang ang kasama nila sa korte nang basahan sila ng hatol.


Hindi kasama ng dating mayor ng Quezon City ang kanyang pamilya dahil kasalukuyan daw silang nasa ibang bansa.


Bukas ang BULGAR sa panig ni Herbert Bautista  o ng kampo niya tungkol dito.


 

SA 40th year ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), muling tiniyak ng Board ang pagsusulong sa mandato nitong proteksiyunan ang pamilya at kabataang Pilipino sa pamamagitan ng responsableng regulasyon sa media at patuloy na pagsuporta sa industriya ng pelikula at telebisyon sa bansa.


Ipinahayag ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang malalim na dedikasyon ng Board na maihatid sa publiko ang tamang impormasyon at responsableng paggamit ng media na siyang may malaking parte sa paghubog ng lipunan.


Aniya, “Ngayong 2025, mananatili po tayong matatag sa ating misyon na maisulong ang responsableng panonood para sa kapakanan ng pamilyang Pilipino. Atin ding tinitiyak ang patuloy na pagsuporta sa industriya ng paglikha sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na klasipikasyon sa bawat palabas at pelikula at ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder.”


Mas palalakasin pa ng MTRCB ang pakikipagkolaborasyon sa lokal na mga direktor, producer, at TV network, pati na rin sa mga streaming platform at mga kaalyadong bansa.


Sa pamamagitan nito, mas matutugunan ng MTRCB ang iba’t ibang hamon pagdating sa media regulation habang pinapaunlad ang masining at inobasyon sa industriya ng pelikula at telebisyon.


Ayon pa kay Sotto-Antonio, ipagpapatuloy ng ahensiya ang pagsusulong ng kampanyang “Responsableng Panonood” na layong maturuan ang publiko sa importansiya ng tama at angkop na pagpili ng mga palabas, partikular sa mga batang manonood.


At dahil sa mabilis na paglago ng digital platforms at teknolohiya sa bansa, nangako rin ang MTRCB na gamitin ang mga makabagong pamamaraan pagdating sa polisiya at regulasyon, at sa pagpapanatili ng Filipino cultural values na siyang pamantayan para sa proteksiyon ng mga manonood.


 

Sayang na sayang talaga siya…

MAY ATTITUDE NA AKTOR, AYAW NANG BIGYAN NG SHOW NG NETWORK


BLIND ITEM:


TRULILI kaya na hindi muna bibigyan ng project ng TV network ang aktor na halos lahat ng project nito ay hindi nagtagumpay?


Ilang beses na raw kasing humihingi ng meeting ang aktor sa TV network kasama ang handler nito mula sa kanyang management company pero lagi siyang hindi napagbibigyan.


Kaya raw pala nanghihingi ng meeting ang aktor sa management ng TV network ay para alamin kung ano ang ibibigay sa kanyang proyekto.


Kaya pala hindi hinaharap ang aktor ay dahil wala rin palang maisasagot ang management ng TV network, kaya minabuti nilang iparating na lang sa may hawak ng karera nito na sa taong 2025 ay wala sa line-up nila ito.


Sobrang nalungkot ang aktor dahil pinagbubuti naman daw nito ang trabaho niya. ‘Yun nga lang, sa sobrang pagbubuti niya ay may mga tao sa production na napapakitaan niya ng hindi magandang asal, kaya ang mga nabanggit na rin ang nagsabing ayaw na siyang makatrabaho.

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Jan. 19, 2025



Photo: Maggie Wilson - IG


“Hayaan mo silang gumawa ng sarili nilang kuwento. Let KARMA will get back to them,” ito ang komento ng aktres na si Sofia Andres sa kanyang cryptic post sa Facebook (FB) account kahapon, na ang nagma-manage ay ang kanyang Team Sofia.


Kasalukuyang nasa Madrid, Spain si Sofia kasama ang mag-ama niyang sina Zoe at Daniel Miranda kung saan sila nagpalipas ng holiday season kasama ang pamilya Lhuillier na grandparents ng huli.


Anyway, may post si Sofia ng larawan niyang naka-two-piece at ang mahaba niyang caption na halatang may pinatatamaan: “2025 NA, LET PEOPLE TALK SH*T ABOUT YOU!!


“It doesn’t matter what they say. It is not important. Focus on where you are and where you are trying to be. Everything else is irrelevant.


“People don’t understand what you want. People don’t know what you’ve been through.

“If they wanted to know, they would ask. If they didn’t ask, it probably means they don’t care and if they don’t care about you, you don’t need to care about them.


“These are people who won’t be in your life for too long anyway, the funny thing is the narrative will change when you get to where you want to be. But you can’t get to where you want to be if you let these irrelevant opinions affect you.


“Keep focusing on yourself and doing what you know you gotta do. Everything else will align after (Team Sofia).” 


Base sa mga binasa naming komento ay walang tinukoy kung sino ang pinatutungkulan ni Sofia Andres, baka mga nakaalitan niya noong nakaraang taon.


 

Sinisiraan daw siya…

SOFIA, MAY PINATATAMAAN TUNGKOL SA KARMA




Ang ganda ng pasok ng taong 2025 sa dating beauty queen-turned entrepreneur na si Maggie Wilson dahil nanalo siya sa kasong isinampa ng kanyang estranged husband na real estate mogul na si Victor Consunji.


Hindi kinatigan ng korte ang petisyon ni Ginoong Victor na Temporary at Permanent Protection Order sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and their Children Act (VAWC) ng 2004, na pagbawalan si Maggie na makausap at makita ang nag-iisa nilang anak na menor-de-edad na si Connor, 12 years old.


Base sa mga posts ni Maggie sa kanyang Instagram stories, “I’m starting 2025 with some GOOD news.


“I recently received a decision from the court that DENIED a petition for a Temporary and a Permanent Protection Order under the Anti-Violence Against Women and their Children Act (VAWC) of 2004, which was filed by my son’s father, Victor Consunji with Jose Mari O Magsalin as his council against me to stop me from being able to communicate or see my son on the basis that I am a threat to my son’s mental and physical well-being.”


Binanggit ni Maggie ang pangalan ng TV host na si Marc Nelson na nag-witness na nakita raw nito ang pinagdaraanang emotional stress ng anak niyang si Connor.

Aniya, “Despite several testimonies including the likes of Marc Nelson, who testified on his knowledge on behalf of the petitioner Victor Consunji of how my son suffered emotional stress, anxiety, and annoyance due to me, were all denied by the family court of the Republic of the Philippines.”


Ikinuwento rin nitong kinailangan ni Connor na tumayo sa witness stand.

“Unfortunately, this exercise also subjected to my son to being put on the stand at just 12 years old.


“An excerpt from the court states, ‘The (social media) posting merely expressed the

love and longings of a mother to her son who was separated from her. The respondent really missed her son, nothing more and nothing less. There was no credible evidence to support a finding that Respondent (Me) committed psychological violence against her son.’


“Therefore, ‘There is no reason to prohibit the Respondent from communicating with her son ©.  As a mother, the respondent has the right and duty to communicate with her son.’


“On behalf of all mothers going through something similar, I’d like to thank the Presiding Judge and the Family Court for seeing through what is right and just.

“I’d like to apologize for the behavior of my (ex) husband for yet again wasting the court’s valuable time.”


Kasunod nito ay ipinost ni Maggie ang larawan nila ni Connor noong magkasama pa sila sa Pilipinas.


Ang caption ni Maggie: “My love for you is unwavering, standing strong against the tests of distance and time.”


Samantala, kasalukuyang nasa ibang bansa pa rin si Maggie at hindi pa rin makabalik ng bansa dahil may warrant of arrest sa kanya na isinampa ng dating asawa.


Bukas ang BULGAR sa panig ni Ginoong Victor Consunji.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page