ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov. 30, 2024
PBBM AYAW IPA-IMPEACH SI VP SARA SA TAKOT NA MA-PEOPLE POWER NG 32M DDS -- Nang umugong ang impeachment laban kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio dahil sa ‘pagbabanta’ nito sa buhay nina Pres. Bongbong Marcos (PBBM), First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez ay nanawagan ang Presidente sa Kamara na huwag itong ituloy kasi hindi naman daw ito importante at aksaya lang umano ito sa panahon.
Ang hirit ni PBBM na huwag nang ituloy ang impeachment ay pagpapakita na may takot pa rin siya sa pamilya Duterte kasi kapag in-impeach na si VP Sara ay baka lumabas sa kalye ang 32 milyong Duterte Diehard Supporters (DDS) at magsagawa naman ang mga ito ng People Power laban sa Marcos admin, boom!
XXX
NAWALA ANG TAPANG NI VP SARA, TUMIKLOP SA NBI -- Negatibo kay VP Sara ang hindi niya pagharap kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa imbestigasyon sa kanya tungkol sa ginawa niyang pagbabanta umano sa buhay nina PBBM, FL Liza at Speaker Romualdez.
Kilala kasi ang mga Duterte na matatapang pero sa hindi niya pagsipot ay lumalabas ngayon na tumiklop, nawala ang tapang ni VP Sara sa NBI, he-he-he!
XXX
PANG-UUNGGOY LANG SA PUBLIKO ANG EXECUTIVE ORDER 62 NI PBBM NA NAG-AATAS PABABAIN ANG PRESYO NG BIGAS KASI IMBES BUMABA, TUMAAS PA -- Noong June 22, 2024 ay nagpalabas ng Executive Order 62 si PBBM na nag-aatas kay Sec. Francisco Tiu Laurel ng Dept. of Agriculture (DA) na tapyasan ng P6 o hanggang P7 ang presyo per kilo ng bigas, ang problema, imbes mabawasan ang presyo ay mas lalong tumaas ang halaga ng kada kilo nito.
Isa lang ang ibig sabihin niyan, pang-uunggoy lang sa publiko ang executive order na ito ni PBBM, boom!
XXX
KUNG SI EX-P-DUTERTE PA ANG PRESIDENTE, DURUGISTANG SIGA-SIGA NA SI ‘JUN PULO’ MALAMANG NA-TOKHANG NA -- Isang durugistang nagngangalang "Jun Pulo" ang nagsisiga-sigaan, totoma nang hindi nagbabayad at kinokotongan pa raw ang mga may-ari ng mga KTV bars sa Quezon City.
Dapat ipa-tokhang na ito ni Quezon City Police Director, Col. Melecio Buslig, kasi sa totoo lang, kung si ex-P-Duterte pa ang presidente ng ‘Pinas, ‘yung ganyang durugistang siga-siga, may pinaglagyan na ‘yan, malamang “na-tokhang” na, period!