top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Nov. 12, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Maestro, magkakabalikan pa ba kami ng ex-boyfriend ko? Naghiwalay kami dahil pinipilit niyang makuha ang pagkababae ko. Mula nang tumanggi ako, ru’n na siya nag-umpisang magtampo at hindi magparamdam sa akin.  

  2. Kung sakali namang hindi na kami magkabalikan, may iba pa kayang lalaki na darating sa aking buhay na tulad din ng ex ko na mabait at may matatag na trabaho? Wala naman sana kasing problema eh, ‘yun nga lang ay nagpupumilit siyang makuha ang pagkababae ko, samantalang hindi pa naman ako ready para sa mga ganu’ng bagay.


KASAGUTAN

  1. Isa lang ang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit magtampo pa ang ex-boyfriend mong mahilig, tunay ngang sa bandang huli, mare-realize rin niya ang kanyang pagkakamali.

  2. Sa sandaling mangyari iyon, tiyak ang magaganap, – hihingi rin siya ng sorry sa iyo para muling makipagbalikan at dahil mahal mo naman talaga ang nasabing lalaki, patatawarin mo agad siya, upang muling mabuo ang isang masaya at matimyas na relasyon, na sa dakong huli, hindi mo ring maiiwasang isuko sa kanya ang iyong pagkababae, kahit na hindi pa kayo kasal.

  3. Matapos ang isa hanggang dalawang taon, habang nagsasama kayo sa paulit-ulit na sarap at ligaya, nakatakda rin naman kayong ikasal upang maging isang ganap na mag-asawa hanggang sa makabuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang ayon sa iyong mga datos, Criselda, tama lang na tanggihan mo ang iyong boyfriend, lalo na kung hindi ka pa talaga handa at hangga’t hindi pa kayo nagpapakasal. 

  2. Pero ayon sa iyong mga datos, darating at darating ang saktong panahong bibigay mo rin sa boyfriend mo ang kanyang hinihingi, – ibibigay mo rin sa kanya ang iyong pagkababae. 

  3. Matapos ang isa hanggang dalawang taon, ang inyong relasyon ay mauuwi rin sa pagpapakasal at pag-aasawa, hanggang sa tuluyan na ring mabuo ang isang maligaya at panghabambuhay na pamilya, (Drawing A. at B. h-h arrow b.).



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Nov. 5, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. May asawa na ako ngayon at kasalukuyan siyang nasa abroad. Dalawang taon na rin siya ru’n, at ‘yung dalawa naman naming anak ay nasa elementary na rin. Habang wala sa tabi ko ‘yung asawa ko, natukso akong makipag-meet sa dati kong classmate. 

  2. Hanggang sa dumating sa puntong hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili. May nangyari sa amin, at naulit pa ito nang naulit. 

  3. Gusto niyang iwan ko ang aking asawa at magsama na umano kami. Isama ko na lang daw ang aking mga anak, at mamuhay kung saan hindi kami masusundan ng asawa ko.

  4. Pero malapit nang umuwi ang mister ko, kaya litung-lito na ako kung ano ang dapat kong gawin. Maestro, sino ba sa dalawang lalaking ito ang dapat kong piliin at sino sa kanila ang nakaguhit sa aking kapalaran?

 

KASAGUTAN

  1. Wala kang ibang dapat gawin ngayon kundi iwasan ang classmate mong sumabit sa masaya n’yong relasyon ng asawa mo. Hindi pa huli ang lahat para magbagong buhay, iwasan at iwanan mo na ang classmate mo habang hindi pa natutuklasan ng mister mo ang ginagawa n’yong kabalbalan.

  2. Sa ganyang paraan lamang, matutupad ang kaisa-isang medyo gumulo o nabaluktot, pero tumuwid din naman na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung aayos ka lang at magpapakatino, tiyak na maiiwasan mo na ang napipinto n’yong pagkawasak ng inyong pamilya.

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang ayon sa iyong mga datos, kung makikipagrelasyon ka pa rin sa dati mong classmate kahit na alam mong pamilyadong babae ka na, higit na mananaig ang pagiging magulo ng iyong Marriage Line (1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, – mahihiwalay ka sa iyong asawa at mawawasak ang inyong pamilya.

  2. Subalit kung pipigilan mo ang init ng iyong katawan at isasakripisyo mo ang iyong damdamin, alang-alang sa iyong mga anak, mas mananaig ang tuwid at maayos mong Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, –  pag-uwi ng iyong asawa galing sa ibayong dagat, mas magiging maganda at masaya na ang inyong pamilya, dahil may dadatnan siyang isang buo, maligaya at panghabambuhay na pamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Nov. 3, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang ipabasa ang birthday namin ng boyfriend ko, gayundin ang guhit ng aking palad. Maestro, may chance ba na kami na ang magkatuluyan? Ang birthday ng boyfriend ko ay October 29, 1993, habang July 7, 1995 naman ang birthday ko. 

  2. Sa ngayon, nasa ibang bansa siya, kahit na long distance ang relasyon namin ngayon, wala naman kaming nagiging problema at balak na sana namin magpakasal sa susunod na taon. Kung sakaling matutuloy ang plano naming pag-iisang dibdib, magiging successful kaya ang itatayo naming pamilya?

 

KASAGUTAN

  1. Iisa lang naman ang malinaw, makapal at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung matagal na kayong mag-on at masaya naman kayong sa pinagsasaluhan n’yong pagmamahalan, kahit na nasa abroad pa ang boyfriend mo, malamang na siya na nga ang makakatuluyan mo, dahil ang edad mong 29 sa kasalukuyan ay nagsasabing pang-asawa na ang ganyang edad.

  2. Dagdag pang tugma at compatible rin naman ang zodiac sign n’yong Cancer at Scorpio. Kung saan, ang Cancer at Scorpio ay kapwa pinaghaharian ng elementong water o tubig. Ganundin sa Numerology, ang birth date mong 7 ay tugma rin sa birth date na 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2) ng boyfriend mo. Ibig sabihin, ang nabanggit na mga datos sa itaas, ang kumukumpirmang tugma at compatible nga kayo ng boyfriend mo na sa malapit na hinaharap, walang duda, matutuloy na ang binabalak n’yong pagpapakasal, na mauuwi rin sa isang masaya at panghabambuhay na pagsasama.

 

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, tiyak na ang magaganap, sa susunod na taong 2025, sa edad mong 30 pataas, habang 32 naman ang boyfriend mo, matutupad na rin ang binabalak n’yong pagpapakasal na hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan, (Drawing A. at B, 1-M arrow a. at h-h arrow b.).



 
 
RECOMMENDED
bottom of page