ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Dec. 6, 2024
Mga mars! Feel n’yo na ba ang Christmas rush? ‘Yung tipong abot-langit ang gastos — pang-Noche Buena, pangregalo sa fam at sa dyowa, tapos dadagdag pa ang mahal na bilihin! Kaka-stress! Kaloka!
But wait! Na-get mo na ba ang 13th month pay mo?
Karapatan mo ‘yan, beshie! Walang ek-ek o charot-charot. Employed ka man ngayon o nag-goodbye na sa work, may ‘K’ ka pa rin sa 13th month na ‘yan! Kahit isang buwan ka lang nag-work this year at ‘di na kineri, entitled ka sa pro-rated bonus. May P1K mahigit ka rin pandagdag sa Christmas budget mo teh, kung minimum wage earner ka sa Metro Manila. Bongga, ‘di ba?
Nasa batas ‘yan, sis! Salamat sa aking pudrakels na si Apo Lakay Ferdinand E. Marcos, sa kanyang Presidential Decree 851 noong 1975. Kasama rito ang mga rank-and-file employees, employed man o nag-move on na.
Ngayon, sa mga bossing diyan -- huwag maging Grinch ngayong Pasko! Tandaan, ang deadline ng pamimigay ng 13th month pay ay bago mag-December 24. Kung wala pa rin ito by then, aba, oras na to make chika sa HR. Kalmahan mo lang, beshie, but be assertive!
Slay dapat tayo sa Pasko! Kung si Santa Claus may sleigh, tayo rin, dapat SLAY dahil sa 13th month pay!
Dasurv na dasurv n’yo maging merry this Christmas! Agree?