ni Ryan Sison @Boses | Dec. 14, 2024
Nakadidismayang malaman na ang Pilipinas ay lumalabas na isa sa mga bansang tila nahihilig sa mga malalaswang bagay o iba pang kauri nito.
Nasa pangatlong puwesto kasi ang ‘Pinas sa listahan ng mga bansa na bumisita sa pornography website na Pornhub, ayon sa kanilang annual Year in Review.
Batay sa adult website, nananatiling nasa unang puwesto ang United States na may pinakamaraming pagbisita sa Pornhub ngayong taong 2024, habang pumangalawa naman ang France.
Nabanggit din nito na ngayong taon, ang average na oras na ginugol sa bawat pagbisita sa website ay 9 minuto at 40 segundo.
Para sa 18 hanggang 24 age group, ang average na pagbisita ay nasa 76 segundo na mas mababa sa average, habang ang mga nasa 65% na age group ay gumugol ng 83 segundo nang higit sa average.
Nanguna naman ang Mexico sa mga bansang naglaan ng may pinakamaraming oras sa nasabing website na umabot sa 11 minuto at isang segundo, at sinundan ito ng the Netherlands at US.
Gayunman, bumaba ang bilang ng mga bumisitang Pinoy sa adult website noong Sinulog Festival ng January 15 na mayroong pagbagsak ng 27.2 porsyento.
Aminin man natin o hindi, nagiging pangit na naman ang imahe ng ating bansa sa buong mundo dahil sa ganitong klase ng mga report na madalas na pagbisita ng mga
Pinoy sa mga pornography website.
Kaya siguro hirap din na maresolbahan ng gobyerno ang mga kaso ng online sexual abuse and exploitation of children dahil nga marami sa ating mga kababayan na nasa hustong gulang o mga adult na ay nagiging bisyo at suki ng mga malalaswang panoorin, online views at iba pang katulad nito.
Sa ganang akin, nasa atin din nakasalalay ang ikaaayos at ikagaganda ng ating bansa. Baguhin na sana natin ang ating mentalidad at pag-iisip na makakatulong lamang sa sarili at sa ating pamilya.
Kumbaga, simulan natin na linis ang ating mga utak at ituon ito sa mga positibo at magagandang bagay nang sa gayon ay mapabuti at umunlad ang ating pamumuhay.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com