ni Fely Ng @Bulgarific | Dec. 16, 2024
Hello, Bulgarians! Naglabas ang Social Security System (SSS) ng nagkakahalaga ng P32.19 bilyon para sa 13th month at December pension sa mahigit 3.6 milyong pensioner na naibigay noon pang Nobyembre 29.
Sinabi ni SSS Officer-in-Charge Voltaire P. Agas na itinulak ng SSS ang maagang pagkredito ng 13th month at December 2024 pension bilang pre-Christmas gift sa SSS at Employees’ Compensation (EC) pensioners.
“We are also aware of the plight of our pensioners who were not spared by the recent tropical cyclones that lashed the country in less than a month. The early crediting of these pensions can help address some of their financial needs as they try to rebuild their lives after a series of calamities struck the country,” sabi ni Agas.
Ipinaliwanag ni Agas na ang unang batch ng 13th month at December pensions ay ipinamahagi sa 2.09 million pensioners na nagkakahalaga ng P17.9 billion noong Nobyembre 29, na sumasaklaw sa mga pensioner na may mga petsa ng contingency sa loob ng una hanggang ika-15 araw ng buwan.
Samantala, sinabi niya na ang ikalawang batch ay inilabas noong Disyembre 4 na nakinabang sa 1.52 milyong pensioner na nagkakahalaga ng P14.3 bilyon. Ang mga pensyonado na ito ay may mga petsa ng contingency sa loob ng ika-16 hanggang sa huling araw ng buwan.
Gayundin, sinabi ni Agas na ang SSS ay naglabas ng humigit-kumulang P41.6 milyon na halaga ng 13th month at December pension sa mahigit 6,000 pensioners sa pamamagitan ng non-PESONet participating banks and checks. Dagdag pa niya, ang mga pensioner na nag-avail ng advance 18-month pension para sa kanilang inisyal na benepisyo ay nakatanggap ng kanilang 13th month pension noong Disyembre 4.
Mula noong Disyembre 1988, nagbibigay ng 13th month pension sa SSS at EC pensioners, na katumbas ng kani-kanilang buwanang pensyon. Ang pamamahagi ng SSS ng 13th month pension ay isang taunang tradisyon sa nakalipas na 36 taon upang mapahusay ang mga benepisyo ng mga pensyonado at bilang isang paraan ng pagkilala sa mga kontribusyon ng mga ito sa bansa sa panahon ng kanilang produktibong taon.
Ipinaliwanag ni Agas na ang mga retirement at survivor pensioners ay nakakakuha ng 13th month pension na katumbas ng kanilang regular monthly pensions, habang ang total disability pensioners ay tumatanggap ng 13th month pension na katumbas ng kanilang buwanang pension nang walang medical allowance.
“Member’s children receiving dependent’s pensions are also entitled to the 13th month pension and partial disability pensioners can receive it if they have a pension duration of at least 12 months,” dagdag pa niya.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.