top of page
Search

ni Angela Fernando @Entertainment News | July 30, 2024



BINI x ENHYPEN / TikTok
Image: Marvel

Binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Restricted-16 (R-16) rating ang “Deadpool/Wolverine” sa pagtaya ng MTRCB Board Members Bobby Andrews, Jose Alberto V at Johnny Revilla.


Ang R-16 ay para lamang sa mga edad 16 pataas. Ito’y sa dahilang may mga eksenang hindi akma sa mga manonood na edad 15 pababa, tulad ng matitinding karahasan, madudugong eksena at ilang mga mapaminsalang imahen. Binigyang diin ng MTRCB na bagamat may komedya ang pelikula, posibleng nakakabahala pa rin sa mga batang manunuod ang ilang maseselang eksena.


Samantala, binigyan din ng R-16 rating ang "All My Friends Are Dead" ng Pioneer Film sa desisyon nina MTRCB Board Members Andrews, Almira Muhlach at JoAnn Bañaga. Ipinunto ng tatlo ang sekswal na nilalaman ng pelikula, katatakutan na hindi angkop sa mga bata at mga eksena ng karahasan.


Binigyan din R-16 rating ang pelikula ng Pinoyflix Films and Entertainment Production, Inc., na pinagbibidahan nina Alexa Ocampo, Jeffrey Santos, Rash Flores at Lara Morena.


Sa desisyon nina Board Members Bañaga, Andrews at Eloisa Matias, sinabi nilang hindi angkop sa mga edad 15 at pababa ang ilang mararahas at madudugong eksena, paggamit ng armas, droga at pagpapakita ng malubhang pisikal na pananakit.


Pinaalalahanan ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang na ang R-16 classification ay maaaring may mga maseselang pananaw sa tema, eksena, lenggwahe, karahasan, sekswal, horror at droga na hindi angkop sa edad 15 at pababa.

 
 

ni Angela Fernando @On The Verge News | July 2, 2024



News

Hindi na matutuloy ang pakikipagkumpitensiya ng ‘Wicked’ na pagbibidahan ni Ariana Grande sa ‘Moana 2’ na dapat sana ay sabay na eere sa takilya sa Nobyembre 27. Ipapalabas na sa mga sinehan ang movie adaptation ng inaabangang Broadway sensation nang mas maaga at mapapanood na sa Nobyembre 22.


Ang 'Wicked' — na pinagbibidahan nina Ariana Grande at Cynthia Erivo bilang dalawang mangkukulam — ay ipapalabas na sa mga sinehan sa parehong araw ng isa pang malaking sequel, ang ‘Gladiator II’.


Ibinahagi ng direktor ng pelikula na si Jon M. Chu sa ‘X’ na ang prequel ng The Wizard of Oz, na nanalo ng tatlong Tony Awards matapos ang premiere nito sa Broadway mahigit dalawang dekada na ang nakalipas, ay malapit nang mapanood ng mga tagasuporta nito sa mga sinehan.

 
 

ni Angela Fernando @International | June 26, 2024



News

Ibinida ng Avengers at ‘Hawkeye’ actor na si Jeremy Renner ang kanyang mga peklat na nakuha niya sa snowplow accident nu'ng Enero 2023 para sa cover ng Men's Health magazine.


Ipinakita ng kilalang aktor ang kanyang katawan sa front page ng nasabing magazine para sa July-August release, isang taon mahigit matapos makaligtas sa aksidenteng nagdala sa kanya sa life support at iba pang pinsala.


Matatandaang umabot sa kritikal na kondisyon at kinailangang sumailalim sa maraming operasyon sa kanyang likod, balikat, at tiyan si Renner.


Sa loob ng magazine, makikita rin ang peklat sa kanyang binti habang suot ang workout shorts. Naging positibo pa rin naman si Renner matapos ang nasabing aksidente.


Sey nga nito sa kanyang mensahe sa mag: “All those [scars] are just reminders of the beautiful, beautiful, day that could have been a really bad day."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page