ni Nympha Miano-Ang @Sports News | September 30, 2023
Sa wakas nasungkit ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena ang unang gold medal para sa bansa sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China at nakagawa ng bagong record.
Naghari si Obiena sa pole vault finals nang malundag niya ang 5.75 meter mark matapos ang dalawang tangka. Makaraan noon ay sinikap din niyang malundag ang 6.02 meters pero nabigo siya.
Kasunod ng kanyang gold-clinching jump muling nalampasan ng pole vault world no. 2 ang 5.55 meters. Sina Henry Bokai ng China at Hussain Asim Al Hizam ng Saudi Arabia ang tumapos na segunda at tersera sa.5.65 meters.
Ang lundag ni Obiena ang sumira sa Asian Games record na dating hawak ni Seito Yamamoto ng Japan sa 5.70 meters.
Sa ngayon hawak ng Filipino pole vaulter ang Asian record na 6.0 meters. Una nang nakasungkit ng 1 silver at anim na bronze medal ang Pilipinas sa Asiad.