ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Oct. 10, 2024
Dear Maestro,
Bakit sa tuwing tatalakayin n’yo ang mga ka-compatible ng zodiac sign kong Capricorn, palagi ninyong sinasabi na ka-compatible ko ang Virgo, Taurus at kapwa ko Capricorn?
Ang aking asawa ay nagtataglay ng zodiac sign na Pisces, hindi ba, water type sign din siya? Ibig sabihin ba nu’n ay ka-compatible ko rin siya? Pero bakit hindi ko ito nababasa sa mga artikulo n’yo?
Sana ay maipaliwanag n’yo ito. March 4, 1994 ang birthday ng asawa ko, habang January 17, 1994 naman ako.
Umaasa,
Eya ng Sauyo, Novaliches, Quezon City
Dear Eya,
Alam mo, kaya hindi ko isinasama ang Pisces at Scorpio sa mga ka-compatible ng isang Capricorn, gayung ang Pisces at Scorpio ay kapwa nagtataglay ng elementong water o tubig na angkop sa isang Capricorn na may elementong lupa, sosobra na ang dami ng magiging ka-compatible ng Capricorn.
Isipin mo, 12 lang ang zodiac sign, lalabas na ang magiging ka-compatible ng Capricorn ay ang Virgo, Taurus, kapwa niyang Capricorn, Cancer, Pisces at Scorpio. Halos kalahati na ng 12 zodiac signs ang magiging ka-compatible niya, kaya napakarami na nito na parang malayo sa katotohanan. Pero kung malapit pa rin sa katotohanan, hindi naman praktikal na halos ka-compatible ng Capricorn ang kalahati ng lahat ng zodiac sign.
Kaya ang sinasabi lang nating ka-compatible sa ating mga artikulo hinggil sa compatibility ay ‘yung talagang ka-compatible at teoryang pinagbabatayan.
Una sa Western Astrology, kapag katulad mo ng elemento ang isang zodiac sign, halimbawa ay Capricorn, tiyak na ka-compatible mo ang Virgo, Taurus at kapwa mo Capricorn, dahil ang tatlong zodiac sign na ito ay pare-pareho ng elemento – ang elementong earth o lupa. Sa unang batas ng compatibility, ito ang tinatawag na “same feathers flock together”.
Magkakamukha ng pakpak, magkakamukha ng likaw ng bituka, kaya magkakatugma, magkakaibigan at magkaka-compatible sila.
Ito namang isa pang teorya sa compatibility ay hango sa Oriental Astrology, kung saan tinatawag nga nating “opposite poles attract each other,” sino ba ang ka-opposite ng Capricorn? Hindi sina Pisces at Scorpio na kapwa may water type element, kundi si Cancer.
Bilog kasi ang drawing o mapa ng zodiac signs, at ang bilog na ito ay hinati sa 12 bahagi. Parang paghahati ng pizza pie, kung titingnan mo ang eksaktong katapat na hati ng Capricorn, makikita mo sa kanyang ilalim ang Cancer. Kaya ang Cancer at Capricorn ay perfect match sa compatibility, na kung tawagin natin ay “opposite poles attract each other”. Kumbaga, sila ang “complimentary compatibility”, tulad ng gabi at araw, liwanag at dilim, babae at lalaki, negative at positive poles at iba pang magkakatumbalik na puwersa na hindi puwedeng mawala ang isa.
Siya rin ang nawawala mong sarili na noon mo pa hinahanap, habang ikaw naman ang nawawala niyang sarili na hindi niya pa rin matagpuan. Pero kapag nagtagpo ang dalawa, bagama’t hindi magkamukha, sila ay kusang nagsasama upang makabuo ng baby o bata at siyempre, upang makabuo rin ng masaya at panghabambuhay na pamilya.
Ngayon, bumalik tayo sa Pisces at Scorpio na may water element, na hindi naman ka-opposite ng isang Capricorn, ka-compatible mo rin ba sila? Oo, pero hindi kasing ka-compatible ng Cancer, Virgo, Taurus at kapwa mo Capricorn.
Samakatuwid, kung lalagyan ng “secondary compatibility,” ‘ika nga ay “second choice”, roon papasok ang Scorpio at Pisces, pero sa first choice, roon naman papasok ang mga tunay mong ka-compatible, kapwa mo Capricorn, Virgo, Taurus at Cancer.
Gayunman, bukod sa ka-compatible mo rin ang Pisces, sa salita nating “second degree of compatibility,” tunay namang ka-compatible mo sa Numerology ang iyong mister na may birth date na 4 habang 17 o 8 naman ang birthday date mo, (ang 17 ay 1+7-8).
Sa matuling salita, hindi man kayo perpektong compatible sa Astrology, perpektonaman kayo sa Numerology na nakatakdang magsama habambuhay at nakatakda ring muling umangat at umunlad ang pamumuhay, na ayon sa Decadens ng Kapalaran ay inaasahang mararamdaman at magsisimulang mangyari sa taong 2025, sa edad mong 31 pataas.