ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 12, 2025
Dalawa pala ang title ng controversial movie ni Direk Darryl Yap. Magkaiba ang gagamiting title kapag ipinalabas na rito at sa ibang bansa.
Ang Philippine Cinema title ay Pepsi Paloma (PP) at ang international title ay The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP).
Naalala namin ang nabanggit ni Direk Darryl na all about Pepsi ang movie, kaya siguro pangalan ng late actress ang title.
Inilabas na rin ng director ang official poster na si Rhed Bustamante lang ang nasa picture. Pang-international siguro ang poster dahil TROPP ang ginamit at under sa title, nakasulat ang “Written and Directed by Darryl Yap” at sa ibaba ng name niya, nakasulat ang “February 2025,” na ibig sabihin, playdate ng controversial movie.
Sa inilabas na statement ng Star Cinema, hindi sa April, 2025 ang playdate ng pelikula nina Paulo Avelino at Kim Chiu na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) kundi sa March 26 na ang simula ng worldwide showing nito.
Nakasaad din sa statement ang international showing ng movie at nabanggit ang North American market.
Ayon pa sa statement, “We are happy to share that global theatrical distributor Abramorama and award-winning international entertainment marketing firm Amorette Jones Media Consulting are collaborating again with Star Cinema in bringing the beautiful story to even more viewers as they believe in the film’s universal appeal that can captivate a broader audience.”
Kaya lang, may doubt pa rin ang ibang KimPau fans dahil bakit daw ngayon lang ang announcement?
Pati ang kawalan ng year sa playdate na binanggit, pinansin din ng mga fans. Bakit daw walang nakalagay na 2025, baka raw sa March 26, 2026 nila ipalabas ang MLWMYD.
In general, masaya ang KimPau fans na maipapalabas na rin finally ang first movie nina Kim at Pau. Ilang weeks lang naman ang ipaghihintay nila from the first announced date na February 12, 2025.
So, tuloy na ang uwi ng mga OFWs para mapanood nila ang movie ng KimPau at tuloy na uli ang mga naka-schedule na block screenings at marami ito.