ni Chit Luna @News | Apr. 12, 2025
Sa "Bagong Pasig" na isinusulong ni Ate Sarah Discaya, walang maiiwan—lalo na ang PWDs, solo parents, at senior citizens.
Sa pamamagitan ng mga programang makatao at inklusibo, binibigyang halaga ang bawat sektor na matagal nang nangangailangan ng mas malalim na malasakit mula sa pamahalaan.
Isinusulong ni Ate Sarah ang PWD Empowerment Program—isang makabagong inisyatibong nagbibigay ng pantay na oportunidad.
Sa ilalim ng programang ito, magkakaroon ng priority hiring, libreng skills training, at livelihood grants.
Kasama rin sa programa ang scholarship, digital learning initiatives, at Assistive Learning Hub na may makabagong teknolohiya upang higit na mapalawak ang kaalaman ng mga PWD. Tututukan din ang friendly spaces, helpline services, at suporta sa sports at sining.
Bibigyang pansin din ang alaga at kalinga para sa senior citizens. Asahan ang pagbibigay ng libreng check-up, gamot, at tulong pinansyal para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga nakatatanda.
Layunin nitong matiyak na ang bawat lolo at lola ay may dignidad, proteksyon, at kalinga mula sa pamahalaan.
Hindi lamang ito tungkol sa pagtulong, kundi pagkilala rin sa mahalagang papel ng mga senior citizen sa lipunan.
Ayon kay Ate Sarah, panahon na para mas pakinggan at bigyang-puwang ang kanilang boses at karanasan, at hayaang sila'y makapag-ambag pa sa komunidad sa abot ng kanilang kakayahan.
Kinikilala rin ni Ate Sarah ang sakripisyo ng bawat solo parent. Kabilang sa mga konkretong hakbang ang pagtatayo ng sariling tanggapan para sa kanilang pangangailangan, pagkakaloob ng kabuhayang maaaring gawin sa bahay, libreng check-up at counseling, skills training, edukasyon para sa anak, at tulong sa pabahay.
“Hindi ka nag-iisa”—isang malinaw na mensahe ng malasakit, pagkalinga, at pagkilala sa kanilang katatagan.