ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Oct. 6, 2024
Congratulations sa Senate Sentinels na Back-to-Back Champions ng UNTV Cup Executive Face-Off.
Alam nating hindi naging madali ang inyong mga laban at hindi biro ang inyong ginawang paghahanda.
Muli, congratulations sa inyo lalo na sa ating mga kaibigan na sina Sen. Joel Villanueva, Sec. Sonny Angara, at Sen. Bong Go. We are proud of you!
☻☻☻
Nitong nakaraang Huwebes ay dumalo tayo sa paglagda ng Republic Act 12023 na magpapataw ng 12 percent value-added tax (VAT) sa mga non-resident digital service providers (DSPs).
Layunin ng batas na ito na matugunan ang pagkalugi sa mga e-commerce transactions.
Kasama rito ang online search engines, online marketplaces, cloud services, online media at advertising, online platforms, digital goods, digital businesses at iba pa.
Inaasahang nasa P105 billion ang makokolektang dagdag na revenue ng pamahalaan mula sa batas na ito sa susunod na limang taon.
☻☻☻
Sa kanyang talumpati sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na hindi ito pagdadagdag ng buwis.
Aniya, pinapalakas lamang ang kapangyarihan at proseso ng Bureau of Internal Revenue na mangolekta ng value-added tax sa digital services.
Dagdag pa ng Presidente, layon ng batas na maging patas na ang pangongolekta ng buwis sa mga lokal na negosyante at international digital platforms.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay