ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Nov. 7, 2024
Tuwing buwan ng Nobyembre ay obserbasyon ng National Children’s Month.
Ayon sa Council for the Welfare of Children (CWC), na isang attached agency ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang tema para sa paggunita ng ika-32 National Children’s Month ay ang pagsisikap na matigil ang lahat ng porma ng karahasan laban sa mga bata.
☻☻☻
Ayon kay CWC executive director Undersecretary Angelo Tapales, nasa 18,756 ang naitalang insidente ng child rights violation ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) noong 2023.
Sa bilang na ito, 17,304 kaso ay mga kaso ng violence against children (child abuse), rape, at acts of lasciviousness.
Ilan pang nakababahalang datos — ayon sa data mula sa International Justice Mission (IJM) at University of Nottingham’s Rights LabNearly, isa sa bawat isang daan (one in every 100) na bata sa bansa ay biktima ng trafficking para gumawa ng child sexual exploitation material noong 2022.
Ayon din sa parehong report, halos quarter million na matandang Pilipino, o halos 3 in 1,000, ang sangkot sa child trafficking para sa ganitong balakin.
☻☻☻
Kailangang mapuksa natin ang banta ng karahasan laban sa mga bata sa lalong madaling panahon.
Kaya’t nananawagan tayo sa pamahalaan na lalo pang paigtingin ang mga hakbang upang mailigtas ang mga bata kontra pang-aabuso.
Kabilang na rito ang maayos na implementasyon ng mga batas gaya ng Republic Act 11930, o Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children Law, Republic Act No. 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at iba pa.
Mahalaga rin na lumikha ang mga local government unit, katuwang ang mga civic organizations at ang komunidad, ng sistema na poprotekta sa mga bata.
Karapatan ng mga bata na lumaki sa mapagmahal at mapagkalingang paligid, na ligtas sa panganib ng pang-aabuso.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay