ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Oct. 20, 2024
Tuwing ika-16 ng Oktubre ay ipinagdiriwang natin ang World Food Day.
Ito ay isang taunang pandaigdigang pagdiriwang na naglalayong itaas ang kamalayan at kumilos laban sa pandaigdigang gutom at malnutrisyon.
Bilang chair ng Senate Committee on Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking, kaisa ako sa mga sumusuporta sa inisyatiba ng pamahalaan na gumawa ng samu’t saring mga programa para sa araw na ito.
Matatandaang kabilang ang pagpuksa sa kagutuman sa UN Sustainable Development Goals (SDGs) na naglalayong tapusin ang problema hinggil dito pagdating ng taong 2030.
Ito na ang ika-43 sunod na taon na lumahok ang Pilipinas sa nasabing selebrasyon, kasama ang 149 na bansa.
☻☻☻
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Right to Foods for a Better Life and a Better Future. Leave No One Behind.”
Nais ng tema ngayong taon na bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkain bilang pangunahing pangangailangan.
Ang pagkain ay dapat ituring na karapatan ng bawat tao, hindi lamang pribilehiyo.
Umaasa tayo na kahit matapos ang pagdiriwang ng World Food Day, patuloy pa rin ang pamahalaan sa paggawa ng mga programang tutulong sa mga nagugutom.
Napapanahon nang wakasan ang kagutuman hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang bahagi
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay