ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | November 16, 2023
Hinihimok natin ang Department of the Interior and Local Government na tiyaking maayos, malinis at walang bahid ng impluwensya ang pagsasagawa ng eleksyon ng Sangguniang Kabataan Federations at Liga ng mga Barangay.
Ayon sa Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991, ang mga nahalal na presidente ng LnB at SK Federation ay magsisilbing ex-officio member ng kanilang mga lokal na Sanggunian.
Dahil dito, may mga anomalya na nangyayari upang makaupo ang mga opisyal.
Sana’y mabigyan ng malinis at bagong simula ang mga nahalal sa nakaraang eleksyon.
Panatilihin natin ang integridad ng proseso sa pagpili ng mga bagong kinatawan sa ating mga konseho bilang mga ex-officio.
☻☻☻
Kamakailan lang ay inilunsad ng Tourism Promotions Board ang “enhanced” na Travel Philippines app.
Nagsisilbing virtual resource ang Travel Philippines app para sa mga nais tuklasin ang Pilipinas.
Maraming impormasyon ang nalalaman sa app na ito, kasama na ang mga location-based attraction at activities, events, kainan, at tirahan.
May mga impormasyon din tungkol sa mga airport at modes of transport, travel directory, at mga travel tips.
Congratulations sa TPB sa pag-aayos ng app na ito.
☻☻☻
Mabuhay ang mga Pilipinong nars!
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay