ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | November 26, 2023
Kahapon naganap ang huling araw ng 31st Annual Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF) kung saan nagtipon ang mga parliamentarian sa buong rehiyon.
Ngayong taon, naatasan ang ating bansa bilang host ng prestihiyosong taunang pagpupulong ng mga mambabatas.
Ang pagtitipon na ito ay ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City na nagsimula noong Nobyembre 23.
Isa sa mga founding member ng APPF ang ating bansa at unang naging sponsor o host ang Pilipinas noong 1994.
Pinangunahan ni Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri ang pagtanggap sa mga delegates kasama ng mga kaibigan nating senador at ilang miyembro ng House of Representatives.
Ang mga mambabatas na naging bahagi ng pagpupulong na ito ay mula sa mga bansang Australia, Brunei Darussalam, Cambodia, Canada, Chile, China, Indonesia, Japan, Korea, Lao PDR, Malaysia, Mexico, Micronesia, Papua New Guinea, Peru, Russian Federation, Thailand, at Vietnam.
Ang tema ng APPF ngayong taon ay, “Building Resilient Partnerships: Advancing Peace, Prosperity, and Sustainability in the Asia Pacific.”
Dito pinag-uusapan ng mga mambabatas ang mahahalagang isyu na may kinalaman sa regional peace, prosperity and sustainability.
☻☻☻
Magandang balita dahil 16 na bansang kasapi ng APPF ang nagpahayag ng kanilang suporta sa kampanya ng Pilipinas na maging bahagi ng United Nations Security Council (UNSC).
Kung papalarin tayo na mapabilang dito, papayagan ang Pilipinas na sumali sa mga dayalogo at botohan sa mahahalagang usaping panseguridad.
Sa 15 miyembro ng UNSC, lima ang may permanenteng upuan at ito ay ang mga bansang China, France, Russia, United Kingdom at United States.
☻☻☻
Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay