ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | January 19, 2024
Madalas tayong magreklamo sa tindi ng trapik sa Kamaynilaan.
Pero gaano nga ba kalala ito?
☻☻☻
Ayon sa 2023 Traffic Index na inilabas ng transportation data company TomTom Traffic, inaabot ng 25 minutes and 30 seconds para makabiyahe ng 10 kilometers noong 2023, na siyang pinakamabagal sa 387 Metro areas na naisama sa kanilang pag-aaral.
Mas mataas ito sa naitalang 24 minutes and 40 seconds noong 2022.
Samantala, sa usapin ng traffic sa city center ay nasa rank 9 ang Metro Manila, sa oras na 27 minutes and 20 seconds para makalakbay ng 10 kilometers.
☻☻☻
Ayon din sa Index, makakatipid ng 47 hours ang mga driver at commuter, at mababawasan ang CO2 emissions ng 201 kg kada taon kung papayagan ang work from home tuwing Biyernes.
Maaari pa raw itong tumaas ng 147 hours at 608 kg ng CO2 emissions kung gagawing three days per week ang work from home setup (Martes, Miyerkules, Biyernes).
☻☻☻
Ano ang mapupulot natin mula sa index na ito? Na ang pamamahala ng trapiko ay hindi lang usapin ng pag-ayos ng sitwasyon ng mga sasakyan.
Bagkus, upang maging mas efficient ang paggalaw sa mga urban area, kailangan natin ng maayos na public transport system lalo na ang mga tren at dedicated bus lanes.
Mahalaga rin na mabigyan ng pagpapahalaga ang imprastruktura para sa mga nagbibisikleta at naglalakad upang maging ligtas ang mga biker at pedestrian.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay