ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Marso 10, 2024
Nais nating batiin at ipahatid ang ating pakikiisa sa lahat ng kababaihan sa ating pagdiriwang ng National Women’s Month.
At dahil nga Buwan ng mga Kababaihan, magandang balikan natin ang mga batas na ipinasa naming mga mambabatas para siguruhin ang karapatan ng mga kababaihan.
Isa na rito ang Republic Act 11210 o mas kilala sa tawag na 105-day Expanded Maternity Leave Law na isinulong ng inyong lingkod.
Sa ilalim ng batas na ito, pinalawig natin ang bilang ng araw ng maternity leave mula sa dating 60 araw para sa normal delivery at 78 araw naman para sa caesarian delivery, ginawa nating 105 araw ang maternity leave ng mga nanganak, normal man o caesarian ang delivery.
Samantala, binibigyan naman ng 60 araw na maternity leave ang kababaihan na nakunan o sumailalim sa emergency termination of pregnancy.
Sa tulong ng batas na ito nakasabay na ang Pilipinas sa international standards ng tamang haba ng maternity leave.
Tagumpay din ito para sa mga kababaihan, pati sa kanilang pamilya dahil magkakaroon sila ng mas mahabang panahon para makasama ang bagong silang na sanggol.
☻☻☻
Napakaganda ng tema ng Buwan ng Kababaihan ngayong taon, “𝐖e 𝐟𝐨𝐫 𝐠𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐞𝐪𝐮𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐢𝐧𝐜𝐥𝐮𝐬𝐢𝐯𝐞 𝐬𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲!” at may sub-theme na “𝐋𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐭𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬: 𝐊𝐚𝐤𝐚𝐲𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧, 𝐏𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧!”
Akmang-akma ito dahil, sa kabila ng abanse at mga nakamit nating mga tagumpay pagdating sa gender equality, ay hindi pa rin tapos ang laban.
Marami pa tayong pwedeng gawin upang itaguyod ang kapakanan at karapatan nating kababaihan.
Isang mapagpalayang Buwan ng Kababaihan sa ating lahat!
☻☻☻
Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay