ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 5, 2024
Nitong nakaraang linggo ay kinilala natin sa Senado ang siyam na nakatanggap ng National Living Treasures Award or Gawad sa Manlilikha ng Bayan (GAMABA) para sa kanilang natatanging kontribusyon sa kulturang Pilipino.
Kabilang sa siyam na awardees sina Adelita Romualdo Bagcal (Ilocano Oral Traditions), Abina Tawide Coguit (Agusan Manobo Embroidery), at Haja Sakinur-ain Mugong Delasas (Sama Dance).
Nariyan din sina Bundos Bansil Fara na kinilala sa kanyang kontribusyon sa T’boli Brasscasting, Marife Ravidas Ganahon (Higaonon Mat Weaving), at Amparo Balansi Mabanag (Ga’dang Beadworks and Embroidery).
Kasama rin sina Samporonia Pagsac Madanlo (Mandaya Textile Weaving), Barbara Kibed Ofong (T’boli Textile Weaving), at Rosie Godwino Sula (T’boli Chanting).
Isinabatas ang Republic Act (RA) No. 7355 o ang Manlilikha ng Bayan Act para kilalanin ang natatanging kontribusyon ng mga Pilipino pagdating sa pagpapalago at pag-aalaga ng traditional folk art.
Bukod sa pagbibigay ng pagkilala, nagkakaloob din ang pamahalaan ng financial resources para lalo pang mapagtibay at maprotektahan ang ating traditional folk art and culture.
☻☻☻
Kinilala rin sa Senado ang 26 na nakatanggap ng 16th Ani ng Dangal Awards (ADA).
Kabilang sa mga nakatanggap ng ADA ay sina Sam Manacsa, JT Trinidad, Stephen Lopez, Whammy Alcazaren, Kayla Abuda Galang, Nathan Carreon Lim, at Ma-an Asuncion-Dagnalan na pinarangalan at nabigyan ng award sa international film festivals.
Kinilala rin sina Kristel de Catalina, Legit Status, La Salle Filipiniana Dance Company, Folk Jumpers, Rhea R. Marquez, Julius Jun M. Obero, Edelyn P. De Asis, HQ Dance Collective, at ang Halili-Cruz School of Ballet dancers na ipinakita ang kakayahan ng mga Pilipino sa mga dance competitions sa ibang bansa.
Samantala, sina Jannina Eliana Pena, De La Salle University Chorale, Jose Emmanuel D. Aquino, Young Voices of the Philippines, Kammerchor Manila, at Anthony Villanueva ay nagbigay karangalan sa bansa sa pamamagitan ng kanilang talento sa musika.
Sina Albert Emir Reyes at Domcar Calinawan Lagto naman ay nagwagi sa mga visual arts competitions sa France at China.
Tunay na hindi matatawaran ang kultura ng Pilipinas at ang talento nating mga Pilipino. Congratulations sa lahat!
☻☻☻
Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay