top of page
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Jan. 23, 2025



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Nitong Lunes, nagdaos ng prayer rally ang libu-libong senior citizen sa Senado upang ipanawagan ang pagpasa ng universal social pension.


May panukalang batas na naglalayong palawakin ang saklaw ng social pension na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development sa mga senior citizen.

Sa halip na mga indigent senior citizen lang, nais ng universal social pension bill na gawing lahat ng Pilipino edad 60 pataas ang makatanggap ng P500 kada buwan na pension. Balak din na gawing P1,000 ang pension na ito sa loob ng limang taon.


☻☻☻


Humaharap sa inseguridad ang ating mga nakatatanda dahil sa wala na silang trabaho, ngunit hindi naman tumitigil ang gastusin gaya ng para sa pagkain at gamot.


Kaya’t mabuting ideya rin na mabigyan ng kahit anong suporta ng pamahalaan ang mga senior citizen upang matulungan sila sa kanilang pamumuhay.


☻☻☻


Nararapat din na hindi na pinahihirapan ng pambansa at lokal na pamahalaan ang mga senior, lalo na pagdating sa mga serbisyong ibinibigay nito.


Halimbawa sa ayuda, sa halip na pinapapila sila at pinaglalakbay pa, mas mabuting ang pamahalaan na ang lumalapit upang masiguro rin na ligtas sila. 


Kung kaya, dapat bahay-to-bahay delivery o hindi kaya sa mismong komunidad ginagawa ang mga serbisyo.


☻☻☻


Ang turo sa akin ng aking amang si former Makati mayor at Vice President Jojo Binay, kailangang pagsilbihan nang maigi ang mga nakatatanda bilang pasasalamat at pagtanaw natin ng utang na loob sa matagal nilang pagseserbisyo.


Ito ang dapat na isinasaisip lalo na ng mga lokal na pamahalaan upang masigurong hindi napapabayaan at napag-iiwanan sa serbisyo at benepisyo ang sektor na tunay na nangangailangan ng suporta at kalinga.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Jan. 19, 2025



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Magandang balita ang patuloy na pagbaba ng bilang ng krimen sa bansa.

Batay sa anunsyo ng Philippine National Police (PNP) na bumaba sa bansa ang index crimes ng 23.73 percent mula late November last year hanggang mid-January ngayong taon.


Ayon naman sa tala ng National Capital Region Police Office (NCRPO), umabot sa 768 ang bilang ng index crimes (murder, robbery, theft, rape at vehicle theft) sa Metro Manila mula Nov. 23, 2024 hanggang Jan. 15, 2025.


Ito ay mas mababa kumpara sa 1,007 na naitala sa parehong period noong nakaraang taon.


☻☻☻


Sinabi rin ng NCRPO na nakaaresto sila ng 976 most wanted persons at 1,190 na iba pa na nasa wanted list.


Samantala, 349,465 indibidwal naman ang naaresto ng NCRPO dahil sa paglabag sa mga local ordinances sa Metro Manila.


Bukod dito, umabot na sa P153 million na ng illegal drugs at P928,071 na halaga ng bet money mula sa illegal gambling ang nasabat ng mga kapulisan mula Nov. 23, 2024

hanggang Jan. 15, 2025.


Nasa 352 indibidwal naman at 364 firearms sa Metro Manila ang nahuli at nakumpiska ng kapulisan dahil sa pinaigting na programa kontra illegal firearms.


☻☻☻


Nakakatuwa dahil tuluy-tuloy ang pagbaba ng crime rate sa bansa.


Noong Oktubre lamang ng nakaraang taon inanunsyo ni Interior Secretary Jonvic Remulla na bumaba ng 62% ang crime rate sa bansa sa loob ng dalawang taon ng administrasyon.


Dagdag pa niya, nagtala ang PNP ng 83,059 crime incidents mula July 1, 2022 hanggang July 28, 2024 na mas mababa sa 217,830 incidents na naitala sa parehong period mula 2016 hanggang 2018.


Good job sa ating mga kapulisan at sana ay ipagpatuloy niyo pa ang pagsiguro sa kaligtasan ng ating mga kababayan.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Jan. 16, 2025



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Dumarami ang mga pamilyang Pilipinong nakararanas ng gutom. Ito ay ayon sa fourth quarter 2024 survey ng Social Weather Stations (SWS).


Ayon sa SWS, tumalon sa 25.9 percent ang involuntary hunger rate. Ang “involuntary hunger” ay tumutukoy sa mga nagutom at walang makain kahit minsan sa loob ng tatlong buwan.


Mas mataas ito kaysa 22.9 percent na naitala noong September 2024. Ito rin ang pinakamataas mula September 2020, kung kailan naitala ang record high hunger rate na 30.7 percent sa kasagsagan ng pandemya.


☻☻☻


Dahil sa December 2024 hunger rate, dumoble ang annual hunger average mula 2023.

Mula 10.7 percent noong 2023, umakyat sa 20.2 percent ang average nitong nakaraang taon. Mas mataas ang bilang noong 2024 ng 0.9 percent sa naitalang 21.1 percent noong 2020.


Isinagawa ng SWS ang survey noong Dec. 12-18, 2024, sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 2,160 adults sa buong bansa. Ang margin for error ay ±2 percent.


☻☻☻


Patuloy na hamon para sa pamahalaan ang pagsiguro na may pagkain ang pamilyang Pilipino.


Nananawagan tayo sa pamahalaan na triplehin ang pagsisikap upang maayos ang supply at mapababa pa lalo ang presyo ng pagkain at ibang pangunahing bilihin.

Huwag nating hayaang magutom ang mga kababayan natin.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page