ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 30, 2024
Gigugunita ng ating bansa ang May 28 hanggang June 12 bilang mga National Flag Days.
Sa mga araw na ito ay hinihikayat ang permanenteng pag-display ng bandila sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at pribadong sektor, paaralan, at maging mga tahanan.
☻☻☻
Unang naideklara ang May 28 bilang National Flag Day sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 374 na pinirmahan noong March 6, 1965.
Ito ay bilang paggunita sa unang araw na naiwagayway ang bandila ng Pilipinas pagkatapos ng Battle at Alapan sa Imus, Cavite, nang magtagumpay ang hukbo ng mga Pilipino laban sa Espanya.
Nailabas naman ang Presidential Executive Order No. 179 noong May 23, 1994, na nagtatakdang gawing hanggang June 12 ang komemorasyon ng Flag Days.
☻☻☻
Inaanyayahan natin ang ating mga kababayan na makiisa sa paggunita ng mga araw ng watawat.
Ang bandila ay simbolo ng ating katapangan at pagkakaisa upang makamit ang ating kalayaan.
May dugo ng bayani na nananalaytay sa atin. Nawa’y maging udyok ito upang pagmalaki natin ang ating kasaysayan.
At sa pagninilay natin sa ginawa ng ating mga ninuno para sa kalayaan, mapukaw sana ang diwa natin sa kahalagahan nito.
Magtulung-tulong tayo upang masigurong hindi na muli tayo masisiil.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay