ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 21, 2024
Bukas ay aantabayanan ng buong Pilipinas ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
Mahalaga ang SONA na ito ngayong taon dahil maraming isyu na kailangang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan.
Handa na ang inyong lingkod na makinig sa ulat sa bayan ng ating Pangulo at gusto rin nating malaman ang mga plano ng administrasyon para sagutin ang mga problemang hinaharap ng mamamayang Pilipino.
☻☻☻
Noong nakaraang linggo rin ay nagpulong na ang Senate Ethics Committee para ayusin ang rules pagdating sa proseso kapag may nag-file ng complaint sa kanilang committee.
Matatandaang naghain tayo ng ethics complaint laban kay Senador Alan Peter Cayetano dahil sa inasal nito sa isang hearing sa Senado.
Sa isang panayam, sinabi ni Ethics chair Senator Francis Tolentino na hindi magdaraos ng public hearing ang Senate Committee on Ethics and Privileges hinggil sa ating reklamo.
Bagkus, magiging closed door ang hearing pero ang resulta nito ay isisiwalat din nila sa publiko.
Dagdag pa niya, kakausapin niya muna kami para sa isang reconciliation meeting.
Sa akin, I am willing to go through the process kung bahagi ng proseso ‘yung reconciliation meeting muna kami at susunod tayo sa ganoong proseso.
Ngunit lilinawin ko lang na ‘yung finile nating ethics complaint, hindi ko goal na magbati kaming dalawa, ang goal ko ay kailangan na may admission na may malaking pagkakamali na ginawa si Senator Alan na hindi karapat-dapat ang mga salitang binitawan niya sa isang Senate hearing.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay