ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | September 15, 2024
Kamakailan lamang ay binigyang pugay ng Senado ang 10 huwarang Pilipino na nakatanggap ng Metrobank Foundation Outstanding Filipinos.
Tayo ang nag-sponsor ng resolusyon na ito sa Senado sa pamamagitan ng Senate Resolution number 1130 na akda ng inyong lingkod.
Inihain natin ang naturang resolusyon upang hirangin ang 10 kapita-pitagang Pilipino na nagpamalas ng angking galing at inilaan ang kanilang mga sarili para sa ikauunlad ng kanilang kapwa.
Ang 10 Outstanding Filipinos ay sina:
Teacher Ma. Ella F. Fabella ng Maasin Learning Center sa Zamboanga City
Teacher Franco Rino C. Open ng Kabasalan National High School sa Zamboanga Sibugay
Prof. Decibel V. Faustino-Eslava, Ph.D. ng University of the Philippines Los Baños
Prof. Maria Regina M. Hechanova-Alampay, Ph.D. ng Ateneo de Manila University
Captain Salvador M. Sambalilo PN (GSC)
Major Ron JR T. Villarosa (INF) PA
Staff Sergeant Michael S. Rayanon PN(M)
Police Lieutenant Colonel Bryan G. Bernardino
Police Major Mark Ronan B. Balmaceda
Police Staff Sergeant Llena Sol-Josefa M. Jovita
Ipinakita ng Outstanding Filipinos, na binubuo ng mga guro, pulis, at sundalo, sa kanilang mga gawa ang natatanging pagmamahal sa kapwa at sa bayan.
Kaya naman dapat lang bigyan sila ng pagpupugay at nawa’y ipagpatuloy pa nila ang kanilang magandang nasimulan.
☻☻☻
Bukod sa pagkilala sa Outstanding Filipinos ng Metrobank Foundation, naghain din tayo ng resolusyon sa Senado upang bigyan ng consent si Sen. Loren Legarda para tanggapin ang pagiging Officer sa Order of the Legion of Honour na iginawad sa kanya ng French Republic.
Kinikilala kasi ng French Republic ang adbokasiya ni Sen. Loren na may kinalaman sa climate change at disaster risk reduction and management.
Congratulations Sen. Loren at patuloy sana kayong maging inspirasyon sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan!
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay