ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | July 10, 2020
Nakarating na kaya kay Janella Salvador ang sagot ni Mr. Raffy Tulfo sa hamon niya sa kanyang former personal assistant a.k.a. dyulalay na idemanda na lang siya nito kung nagsasabi ito nang totoo sa mga akusasyon sa kanyang hindi niya binayaran ang P3,600 na kulang sa huling suweldo nito?
Kung matatandaan, humingi nga ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo sa Radyo 5 ang dyulalay na Michelle ang namesung dahil P8,000 na nga lang daw monthly ang pasuweldo sa kanya ni Janella, hindi pa ibinigay ang kulang sa suweldo niya at pinaalis pa siya.
Ang sagot naman ni Janella sa kanyang Twitter account, "If you're gonna twist the story in your desperate attempt to get money from me, sorry, hun. 3.6K is small and I would gladly give it to someone who deserves it. Not worth my time."
Hindi nagustuhan ni Idol Raffy ang hirit ni Janella at sabi niya, para sa kanya ay case closed na ito. At kung ayaw magbayad ni Janella sa kanyang former dyulalay ay siya na lang daw ang magbibigay ng halagang P3,600, pero manahimik na lang ang Kapamilya actress kesa maghamon pa raw ng demanda.
“Consider this as case closed. Maliban na lang kung magdedemanda si Janella. Lilitaw na kaming dalawa ang magdedemandahan.
"Kahit saan makarating, hindi ko bibitiwan itong si Michelle. Gagastusan ko ‘to para sanggain 'yung demandang ikakaso ni Janella," banta pa ni Idol Raffy.
Pero sana raw ay 'wag na silang umabot sa korte dahil talo lang si Janella.
“Kapag nagkademandahan, lalong lalaki ang kaso. Dehadung-dehado ka rito, Janella. So if I were you, tutal nabayaran ko naman na, keep quiet ka na lang,” sey pa ni Idol Raffy.
Boom, ganern!!!