ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | November 13, 2021
Finally ay mapapanood nang muli sa mga sinehan ang mga pelikulang kasali sa taunang Metro Manila Film Festival sa December 25, 2021 to January 8, 2022.
Kahapon ay inanunsiyo na ng MMFF Committee ang 8 entries na napiling mapasama sa filmfest na taun-taon nating inaabangan bago nagkaroon ng COVID pandemic.
Narito ang 8 official entries sa MMFF ngayong taon:
1. A Hard Day nina Dingdong Dantes at John Arcilla (action-drama, produced by Viva Communications, Inc. and directed by Lawrence Fajardo).
2. Big Night nina Christian Bables at John Arcilla (comedy, produced by Cignal Entertainment, The Ideafirst Company, Octobertrain Films, and Quantum Films and directed by Jun Robles Lana)
3. Huling Ulan Sa Tag-Araw nina Rita Daniela at Ken Chan (romance-comedy, produced by Heaven’s Best Entertainment and directed by Louie Ignacio)
4. Huwag Kang Lalabas nina Kim Chiu, Jameson Blake, Beauty Gonzalez at Aiko Melendez (horror trilogy, produced by Obra Cinema and directed by Adolf Alix, Jr.)
5. Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) nina Charo Santos-Concio at Daniel Padilla (drama, produced by Cinematografica, Plan C, House on Fire, iWant TFC, Globe Studios, Black Sheep, Quantum Films, Inc., AAAND Company, Kawankawan Media, Weydemann Bros., CMB Films, directed by Carlo Francisco Manatad)
6. Love At First Stream nina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniella Stranner at Anthony Jennings (rom-com, produced by ABS-CBN Film Productions, Inc. and Kumu, directed by Cathy Garcia-Molina)
7. Nelia nina Winwyn Marquez at Raymond Bagatsing (suspense drama, produced by A and Q Production Films, Inc., directed by Lester Dimaranan)
8. The Exorsis nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga (comedy horror, produced by TINCAN and directed by Fifth Solomon)
SANYA AT DERRICK, MARAMI NANG PINAGDAANAN
Sa virtual mediacon ng Daig Kayo Ng Lola Ko… Oh My Oppa episode starring Derrick Monasterio, Sanya Lopez at Gil Cuerva, ang mga sagot ng tatlo sa questions ng mga showbiz writers at vloggers ay tipong may kinalaman sa kanilang real-life experiences.
Natanong kasi si Sanya how is it working with Derrick and Gil at ang kanyang sagot ay, “Actually, okay silang parehong ka-work, pero si Derrick kasi…naku, close na close na kami…
ang dami na naming pinagdaanan, hahaha!”
“I love Sanya so much. I always love working with her. Kumbaga, sanay na sanay na kaming magkatrabaho together,” sabad naman ni Derrick.
And regarding rejection or breakup in real life, ang katwiran ni Derrick ay "I’ve been rejected…I’ve been busted a couple of times, pero ano lang, makaka-move on ka rin naman, eh..
“Basta ang important lang is…confident ka sa sarili mo… you should love yourself more and you love the other half, mas madali kang makaka-move on. In general 'yan, kahit sa relationship.
In other words, mas mahalin mo ang sarili mo. 'Yun.”
Kunsabagay, tipong matagal na nga siyang naka-move on sa paghihiwalay nila noon ni Maine Mendoza na unang na-link sa kanya romantically kesa kay Arjo Atayde na syota now ni Maine, boom ganern!
Si Gil Cuerva naman ay masaya raw sa role niya rito sa Oh, My Oppa bilang robot or alien.
Ginagawa raw niya ang mga robotic expressions na nai-in love rin sa tao na tulad ni Sanya Lopez.
O, siya, don’t forget to watch Daig Kayo Ng Lola Ko… Oh, My Oppa episode this coming Sunday sa Kapuso Network, okidoki?