ni Mercy Lejarde - @Talkies | July 2, 2022
Kaka-touched naman ang FB post ni Sylvia Sanchez para sa kanyang anak na si Arjo Atayde habang nanunumpa bilang congressman sa QC District 1.
The following ay ang mensahe ni Ibyang kay Arjo pero 'di binanggit ang syota ng anak na si Maine Mendoza.
“Ang saya-saya ng puso ng isang INA kapag nakita niya na nagtatagumpay ang anak niya sa larangang gusto niya.
"Isa ako sa pinakamasayang ina sa araw ng iyong panunumpa bilang congressman ng Distrito Uno ng lungsod ng Quezon City.
"At sa araw na ito, anak, July 1, 2022, ikaw na ang official na nakaupo bilang congressman ng Distrito Uno. Walang mapagsidlan ang kagalakan ko sa tagumpay mo. Ipinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng puso't isip mo at pinatunayan mong tama ka. Iba ka manindigan, anak!!
"Habang pinapanood kita, tinatawanan ko na lang lahat ng pagod, hirap, pangungutya sa 'yo at sa pamilya natin dahil bago ka daw at walang alam at artista lang at kung anu-ano pang masasakit na salitang ipinukol sa 'yo.
"Lahat ng 'yun, napawi habang pinapanood kitang nanunumpa bilang bagong congressman ng Distrito Uno. Napaka-proud ko sa mga oras na 'yun pero bilang isang ina habang pinapanood kita, pasensiya na, anak, 'di ko maalis na manumbalik sa isipan ko na ito ang batang kinutya, pinagtawanan, nilait at hinusgahan pero wala akong nakita o narinig na pambabastos mo sa mga taong bumatikos sa 'yo, bagkus ang tanging sinabi mo lang sa akin, 'Hayaan mo sila Mommy, 'wag tayong sumabay sa pambabastos nila, hindi tayo tulad nila. Basta ako 'andito, tumakbo dahil gusto kong makatulong sa kapwa ko at mas makakatulong ako 'pag nasa puwesto ako. I don't want to be a good politician, I want to be a Good Public Servant.'
"Sige anak, abutin mo lahat ng pangarap mo, gusto mong tumulong sa kapwa mo, gawin mo lahat 'yan. Ikalat mo sa Distrito Uno ang Respeto, Pagtitiwala, Pagmamahal, Pag-aalaga, Pagpapahalaga at magtanim ka ng kabutihan sa mga nasasakupan mo at nawa'y gabayan ka ng DIYOS.
"Dito lang kami lagi ni Daddy at ng mga kapatid mo na handang tumulong at aagapay sa 'yo.
Mahalin mo anak at alagaan mo ang mga bagong nagmahal at magmamahal pa sa 'yo, ang buong Distrito Uno.
"Kaka-proud!!!! Congratulations, Congressman Juan Carlos Campo Atayde!
"LORD, pakialalayan po anak ko, ha?
"'Nak, pahabol, sa bahay tatawagin pa rin kitang Arjo o Gwapo Ogag,pero sa labas, tatawagin kita Cong 'Nak. Hahaha. OK ba 'yun, my Congressman?
"Serve QCD1 well, anak."
"#thankuLORD.”
Well, iba talaga ang pagmamahal ng isang ina sa anak. Sana all!
'Niwey, congrats and cheers to both mother and son!
'Yun lang and I thank you!