ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 25, 2023
Malungkot na ibinahagi ng Sparkle Artist Management ang balitang pumanaw na sa edad na 17 ang isa sa mga newest teen stars na si Andrei Sison, na ilo-launch pa lang sana nila soon, dahil sa car accident.
Last Thursday, nakapag-taping pa si Andrei para sa variety show sa GMA Studios at natapos nga sila bago mag-7 PM.
Ayon sa mga pulis, nangyari ang aksidente kahapon, Biyernes, 2 AM sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Nakatanggap raw ng tawag ang Sparkle mula sa mga kamag-anak ng binata mga ala- singko nang madaling-araw upang ipaalam sa kanila ang masamang balita.
Sa statement na inilabas ng Sparkle kahapon, Biyernes, anila, “He died due to a car accident this morning.”
"Taos-pusong nakikiramay ang talent management sa pamilya at sa mga mahal sa buhay na naulila ng batang aktor.
“We request everyone to respect his family’s privacy in this time of great loss and join us in praying for the eternal repose of his soul.
“He was a well-loved and much cherished member of the Sparkle family. We will miss you, Andrei. Be with God now,” dagdag pa nila.
Si Andrei ay apo ng season balladeer na si Marco Sison at ni Tess Salvador (SLN) na sister nina Alona Alegre (SLN) at Phillip Salvador.
Ang kanyang ama naman ay si Alain Marco Salvador na dating miyembro ng That’s Entertainment.
Malamang daw na si Daniel Padilla ang gumastos sa wake dahil 'yung tatay ni Andrei, ang napangasawa ay sister ni Karla Estrada at lagi raw isinasama ni Daniel si Andrei sa mga out of town location tapings at recently daw, sa Japan. Best buddies kaya sobrang lungkot daw ni Daniel sa maagang pagpanaw ng fave cousin niya.
Maraming netizens ang nagpahayag ng pagluluksa at panghihinayang sa biglaang pagpanaw ng rising artist.
Ang pinakahuling post ni Andrei sa kanyang Instagram page noong March 11 ay napuno ng mga mensahe mula sa kanyang mga tagahanga sa TikTok.
Ang ilan sa mga mensahe ng mga fans ay, “You will be missed,” at “Gone too soon.”
Nagsimula na kahapon, March 24, ang viewing sa mga labi ni Andrei sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City.