ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 5, 2023
Bilib si yours truly sa Mentorque Productions 'coz ang first movie nila titled Mallari ay hindi lang napabilang sa MMFF 2023 this coming Christmas Day kundi ito rin ang first Pinoy film to be distributed by Warner Bros. Pictures all over the world.
And take note, nagkaroon pa itey ng biggest mediacon at fancon kick-off kamakailan lamang sa MOA na talagang sangkatutak na movie press ang invited with matching pa-raffle pa tapos ang daming fans na dumalo rin sa fancon ng said movie kahit na super-layo ng lugar, ha?
Sina Piolo Pascual, Janella Salvador, Gloria Diaz at JC Santos ang lead stars ng Mallari written by Enrico Santos at sa direction naman ni Direk Derick Cabrido.
Sa mediacon ng Mallari ay napansin namin na tipong bumata, pumuti at lalong naging pogi si Piolo Pascual, in pernes. Maging ang former beauty queen na si Gloria Diaz ay tipong hindi tumatanda ang fezlak, byuti pa rin at hindi halatang may mga apo na, sa true lang.
Tatlong characters ang ginampanan sa Mallari movie ni Piolo bilang Fr. Severino Mallari, John Rey at Jonathan at matagumpay naman niyang nagampanan.
“It was hard because, three roles, eh. So, I just... parang as an actor, that’s the challenge, not knowing what to expect. By just saying yes, I guess for me, I was up for the challenge and I just wanted to do something different. And when this came about, I guess it just fell into place, and the big production value alone was big consideration, who’s very ambitious, but they lived up to the expectations and everything. So. I just really happy about that.
“With this film, with the backing of Warner Bros., I hope we'll be able to not just be a top grosser but to be shown not just here but internationally. Para naman ma-notice ‘yung Philippine cinema, and horror genre for that matter, because malakas ‘yung horror dito sa Pilipinas.
“It was really hard but what made it easy was the vision of my director. Direk Derick (Cabrido) knew what he wanted and he knew his vision. He had a vision, in his film, his story. Ang pagkakasulat ni Sir Enrico, napakalinaw. Though it went through several drafts, and biggest blessing for me was having an acting coach. Tita Anggie Castrence,” ang mahabang pahayag ni Piolo during the Q&A portion ng Mallari mediacon.
O, siya, huwag kaligtaang panoorin itong Mallari movie this coming MMFF 2023 na tipong may pagka-horror ang tema ng istorya.
At tipong bagay ding panoorin itey ng mga magsyota 'coz puwede silang magyakapan nang magyakapan tuwing may mga nakakatakot na eksena.
Devah naman, Reggee Bonoan? Boom, 'yun na! Insert smiley, ☺!
Ramdam na ng mga netizen ang diwa ng Pasko at pagkakaisa dahil sa Christmas Station ID ng ABS-CBN na Pasko Ang Pinakamagandang Kwento tampok ang GMA Network, TV5, at A2Z sa makasaysayang music video nito na ipinalabas noong Biyernes (Disyembre 1).
Nagpahayag ng tuwa ang mga netizens dahil sa pagsama sa mga Kapuso, Kapatid at A2Z employees sa music video. Nakita rin sa music video ang iba pang partner media companies na Viu, Prime Video, at PIE Channel.
Agad na nag-trending sa X (dating Twitter) ang star-studded music video, na nakakuha ng mahigit 1 milyong views sa Facebook at YouTube, habang pinupuri ng mga netizen ang mensahe ng music video, kung saan ay naka-relate rin sila, tungkol sa iba't ibang kuwento at hamon na kinakaharap ng bawat isa sa atin at kung paano tayo pinagbuklod ng pinakamagandang kuwento ng ating Pasko.
“This song centralizes the birth of Jesus and how Christmas is a very great story for everyone. Sa kabila man ng mga challenges, ipadama pa rin ang diwa ng Pasko. All the best, ABS-CBN!” sabi ng netizen na si @convowithcharles.
Pasko Ang Pinakamagandang Kwento was written by ABS-CBN Creative Communication Management head Robert Labayen, while ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo composed the music.
Inaanyayahan din ang lahat na makiisa sa #KwentongPasko campaign. Ikuwento ang iyong pinakamagandang kuwento ng Pasko sa TikTok, gamit ang template at musika ng Christmas Station ID, at sa Facebook at Instagram, gamit ang feature na “Add Yours.”
Panoorin ang Pasko Ang Pinakamagandang Kwento music video sa ABS-CBN Entertainment Facebook page and ABS-CBN YouTube Channel.