ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 1, 2024
Yeheyyy, thank God, Jesus Christ, at tipong naka-survive na sa cancer si Fiery Sultry Torch Diva Malu Barry!
As in graduate na siya sa radiation at chemotherapy ng kanyang cervical cancer at masaya niya itong ipinost sa kanyang socmed account with matching dancing pa.
"Tapos na ang radiation and chemo ko last December 27 pa. Okay na ako sa radiation, chemo at brachy scan. Kulang na lang ay Petscan na parang CT scan. Sana, umokey na rin para makapagtrabaho uli sa mga singing shows and concerts, kasi tipong naubos ang pera ko sa pagpapagamot kaya naibenta ko tuloy ang kotse at bahay ko sa Taytay, Rizal.
"Kaya this coming February 28, 2024 ay magkakaroon uli ako ng concert for a cause titled In My Life na ang venue ay sa Pier 1 Music Bar along Roces Avenue, QC. Sana, maraming bumili ng tickets para matulungan nila ako sa pagpapa-CT scan at tuluyan na akong gumaling sa sakit na cervical cancer," ang mahabang pahayag ni MB.
Sana nga, at wish naming gumaling na siya thru the help of our Heavenly Father Lord God Jesus Christ and grant her totally His great miraculous healing power, amen!
Si Charity Diva Token Lizares ay nakalabas na rin ng ospital due to high blood pressure dahil nga buhat nang pandemic ay lagi siyang nagpapa-benefit concert for the sick and the poorer of the poor people sa Bacolod kasama ang mga kaibigan niyang madre na tumutulong din sa mga needy ones.
Meron din silang concert for a cause this coming Feb. 2, Friday, na gaganapin sa Music Museum at ang lahat ng kikitain ay mapupunta rin sa mga needy ones.
And after the said benefit concert ay aasikasuhin naman ni Token ang kanyang acting career na affected much ng nakaraang pandemic at nananawagan siya sa mga TV executives na bigyan siyang muli ng pagkakataon na makapagtrabaho kahit man lang ang role ay tiyahin or any supporting roles.
So, paging GMA-7, ABS-CBN, TV5, NET25, ALLTV and please, bigyan n'yo ng chance
at kayo naman ang tumulong sa ating tinaguriang Charity Diva, boom ganernn!
Si Deborah Sun naman ay nasa Delos Santos Hospital pa rin at tipong matagal pang gumaling ang mga nabali niyang buto mula mukha hanggang paa nang maaksidente sa isang eksena sa taping ng Batang Quiapo ni Coco Martin.
Nu'ng isang araw lamang ay dinalaw siya ng kaibigan niyang si Ara Mina sa ospital with matching help on the side.
Kaya ang tanging nasabi na lang ni Deborah ay... "Ang bait talaga ni Ara. Lagi siyang 'andiyan para tulungan ako."
Well, sana all, Ara Mina.
'Yun na! Insert smiley, ☺!
O, siya… 'yun lang muna and thank you.