ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 23, 2024
Kahit walang big celebration si Superstar Nora Aunor na nagdiwang ng kanyang 71st birthday nito lang May 21, 2024 ay dinayo pa rin siya sa bahay ng mga solid Noranians.
According sa isang Noranian source namin, may mga fans na dumating sa bahay ni Superstar galing pa sa Toril, Davao at ang iba pang Noranians ay may mga dalang food at cakes bilang regalo nila sa kanilang idol.
Kumpleto naman daw ang family ni Ate Guy at pati raw ang anak na si Kiko ay dumating.
Happy naman ang Superstar na kahit paano ay naidaos ang kanyang 71st birthday, ‘di tulad nu’ng nakaraang taon na bonggang-bonggang ginawa sa Seda Hotel to celebrate her 70th birthday.
Sad to say, hindi siya nakapunta sa Cannes Film Festival kung saan nakasali ang kanyang restored film na Bona, dahil hindi siya pinayagan ng kanyang doctor for 18 hours trip due to her asthma.
Anyway, happy healthy birthday pa more, Ate Guy!