ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Dec. 9, 2024
Photo: Arjo Atayde at Julia Montes sa TOPAKK - Movie banner
Matitinding action scenes ang bumulaga sa mga nakapanood ng trailer ng Topakk, ang action-thriller na magbabalik sa kanyang Filipino roots at kasali sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF), matapos magtagumpay sa mga internasyonal na film festival sa Cannes, Locarno, at Austin.
At ibinida nga ng producer nitong si Sylvia Sanchez ng Nathan Studios na ang Topakk ang magbabalik sa init at hilig ng mga tao sa action films na bihira nang mapanood ngayon sa mga sinehan.
Grabeee naman kasi ang mga eksena rito nina Arjo Atayde at Julia Montes, action na action! Kaya naman, sa mediacon, may vlogger na nagbansag sa kanila bilang “Action King and Queen”.
Huwoooow!!! Did you hear that, Coco Martin na ‘Action King’ din sa puso ni Julia, in pernes?!
Well, mula sa direksiyon ni Richard Somes, tiyak na sulit na sulit ang mga action scenes sa Topakk kaya abangan at watch natin ‘to on Dec. 25 para pak na pak!!!
Bukod sa mga powerhouse performances nina Atayde at Montes, tampok din sa pelikula ang ensemble cast na kinabibilangan nina Sid Lucero, Kokoy de Santos, Bernard Palanca, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, at marami pang iba.
Boom! ‘Yun na!!!
PAO Chief, atras mag-senador…
“‘DI AKO TALUNAN” — ATTY. PERSIDA
S get-together sing and dance party ng Philippine Movie Press Club (PMPC) with matching caroling kay Atty. Persida Rueda-Acosta ay natanong itey ni yours truly kung ano ang kanyang masasabi sa iginawad sa kanyang Gawad Amerika Award just recently sa California, USA
Sagot niya, “Bale pang-walo na po itong natanggap kong Gawad Amerika Award at malugod kong tinanggap nang personal sa Amerika at umaasa ako na tayo po ay kasama nila sa krusada sa katarungan para sa mga kamag-anakan dito sa Pilipinas.”
Ano po ang naging pakiramdam n’yo nang tinanggap n’yo ang award?
Sey niya, “Siyempre po, masaya at nakita ko uli sila.”
Tatakbo po ba kayo ngayong 2025 elections for Senate?
Aniya, “Hindi po ako kakandidato ngayong 2025. At never pa po akong kumandidato bilang senador taliwas sa mga isinusulat nu’ng ibang mga media na ako raw ay talunan.
“Ako raw ay panganib. ‘Di po ako panganib. Ang PAO ay tagapagligtas sa mga api at hindi pa
po ako tumakbo bilang senador.”
Sagot naman ni yours truly ay, “Gusto ko po, maging presidente kayo ng bayan someday,” pero umiling lang siya at nagsabing, “Masamang mangarap nang napakataas.”
Proven naman na talagang mabuting tao at mapagmalasakit si Atty. Persida Rueda-Acosta at ‘yan ang aking naranasan sa kanya, sa true lang and in pernes, wa etchs, boom ganern!