ni Melba R. Llanera - @Insider | April 9, 2022
Pinag-usapan ng mga netizens ang latest pictorial ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado kung saan makikitang nakatayo ito nang patagilid kaya kitang-kita ang malaking tiyan dahil sa ipinagbubuntis ang unang anak nila ni Dennis Trillo.
Pulang tela lang ang nakatakip sa katawan ni Jennylyn at kahit buntis na ito, kitang-kita na maganda pa rin ang hubog ng kanyang katawan at sabi nga ng mga netizens, sobrang nakakainggit ang kaseksihan ng aktres.
Puring-puri nga ng marami si Jennylyn dahil kahit buntis daw ito, ang ganda-ganda pa rin at blooming.
Kaya lang, may ilang inggiterang netizens na sa kabila ng kagandahan at pagiging positive ngayon ni Jennylyn, mukhang nakainom ng mapait na katas ng ampalaya at ang negative ng mga comments.
Sey ng isa na kumontra sa nagsabing sobrang ganda ni Jennylyn, “I beg to defer, so-so lang sa personal nu’ng nakita ko siya 19 years ago sa Bulacan.”
Sagot naman ng isa, “Haller 19 years ago pa ‘yun, teen-ager pa lang siya. Malamang magde-develop pa features ng mukha niya, tapos naalagaan pa ng Belo.”
Comment naman ng isa pang netizen, “Marami nang enhancement kaya super-ganda na. Kahit ikaw, kung can afford at ganda ang puhunan, why not, coconut (magparetoke)?”
May nag-comment ding “I've always suspected na marami siyang ipinagawa sa face niya kasi ibang-iba sa mukha niya when she first started out. Nothing wrong there... puhunan naman nila ang face nila and maganda pagkakagawa.”
Affected much ang ilang kababayan natin sa hitsura ni Jennylyn, eh, ang mismong may katawan nga, dedma lang kahit ano pa’ng sabihin sa kanya.
Sa dami ng nagawa at magandang performance ng Ang Probinsyano Partylist na No. 50 sa balota, hindi kataka-taka na makopo nito ang pangatlong puwesto sa partylist race sa darating na Mayo 9 national election, base sa Pulse Asia Ulat Ng Bayan national survey na isinagawa mula Marso 17-21, 2022.
Isa sa pinaka-nangungunang partylist noong 2019 election, ilan lamang sa mga nagawa ng Ang Probinsyano sa pangunguna ni Rep. Alfred delos Santos ay ang pagbibigay ng mahigit 50,000 relief packs sa gitna ng pandemya, financial assistance sa mahigit 30,000 na beneficiaries, educational assistance sa halos 8,000 estudyante at mahigit 4,000 na medical assistance sa mga beneficiaries.
Pinondohan din nito ang konstruksiyon ng 69 evacuation centers at multipurpose halls sa mga probinsiya bukod pa sa author ito ng 246 bills at co-author ng 134 bills at resolutions sa 18th Congress.
Kaya naman, hindi na kataka-taka kung napabilib at nakuha ng Ang Probinsyano Partylist ang suporta ng mga sikat at respetadong celebrities tulad nina Tito Boy Abunda, Piolo Pascual, JM de Guzman at maging ang sikat na social media influencer na si Donnalyn Bartolome.
Kabilang sila sa mga celebrity endorsers na naniniwala sa adhikain at adbokasiya ng Ang Probinsyano Partylist.