ni MC @Sports | June 28, 2024
Sasagupain ng Gilas Pilipinas ang Turkey sa unang dalawang nakaiskedyul na friendly games bago pa man sumabak sa kanilang kampanya sa Olympic Qualifying Tournament.
Ayon kay coach Tim Cone, ang back-to-back tune-up matches ang makatutulong para sa anumang adjustment na kailangan nila para sa paghahanda sa qualifiers na magsisimula sa susunod na linggo.
Sinabi ni Cone na hindi pa eksaktong matalas ang laro ng Gilas base sa naging resulta ng friendly game nila laban sa bisitang Taiwan Mustangs sa Philsports Arena. Ginapi ng nationals ang Mustangs, 74-64 noong Lunes. "I hope to see improvement, I hope to see us get better on both sides of the ball. We didn't plays as sharp as we wanted," ani Cone matapos ang laro na lumabas sa PBA.ph.
Nakaiskedyul ang Philippines-Turkey friendly ngayong madaling-araw ng Biyernes 1 a.m. sa Istanbul. Ang 12 Dev Adam na pawang mga higanteng players ay ranked no. 24 sa mundo ay hindi naglaro sa qualifiers pero haharap sa friendly game kontra Gilas bilang paghahanda sa kasalukuyang EuroBasket qualifiers.
Wala ring nakitang NBA players sa Turkish team si coach Cone sa tune-up match kabilang na ang beteranong si Cedi Osman, Onuralp Bitim, Furkan, Kurkmaz, Alperen Sengun at Omer Yurtseven. "No. 24 ang Turkey pero mas mahusay sila kung kasama ang NBA guys nila, " ayon kay Gilas coach Cone. " I don't know if their NBA guys are gonna show up because they're not preparing frot he OQT in Spain. Turkey's just preparing for the Euro qualifiers."
Ipaparada ng Turkey ang dalawang 7-footers na sina Ercan Osman at Sertac Sanli.
Matapos ang laban sa Turkey, haharapin naman ng Gilas ang no. 15 Poland sa Hunyo 30, tulad ng Pinoy ang Polish ay haharap kontra Spain OQT kung saan sila naka-bracket sa Group B ng Finland at Bahamas. Dumating sa Turkey ang Gilas noong Miyerkules ng umaga.