ni Mharose Almirañez | December 15, 2022
Tuwing magpapalit ang taon, palagi tayong mayroong bagong New Year’s resolution na pinapangarap ma-achieve taun-taon. ‘Yung tipong, next year ay hindi ka na magiging marupok, hndi ka na magiging gastador, hindi ka na magiging lakwatsera, hindi ka na magiging bida-bida, at pagbubutihin mo na ang pag-aaral.
Eh, ang tanong, kailan ka ba talaga magbabagong-buhay? Parang taun-taon kasi ay pare-pareho lang naman ang iyong New Year’s resolution—pero wala namang nagbabago. Hay naku, beshie, tigilan mo na ang pagma-mañana habit at pagpo-procrastinate dahil wala ka talagang ma-a-accomplish kung puro ka, “Mamaya na lang” o “Next year na lang.”
Subukan mong mag-focus sa iisang bagay. Halimbawa, ang pag-iipon sa 2023. Tandaang walang imposible sa taong desididong makaipon. Kahit palima-limang piso kada araw ang iyong ihulog sa alkansya, ipon pa rin ‘yan.
Bilang concerned citizen, to the rescue ang inyong lingkod upang matulungan kang makaipon. Narito ang ilang tips na dapat mong gawin para ma-manifest ang limpak-limpak na salapi sa 2023:
1. HUWAG MAGPANGGAP NA MAYAMAN. Kumbaga, huwag mo piliting makipagsabayan sa lifestyle ng iba kung hindi mo naman afford o kayang i-maintain ang ganu’ng lifestyle katulad nila. Not all the time, kailangan mong mag-post ng iyong latest ganap sa social media. Wala kang kailangang i-flex para masabing nakakasabay ka sa uso, sapagkat wala kang kailangang patunayan. Ang mahalaga, kumakain ka three times a day at nakakatulong ka sa iyong mga magulang. Sapat na ‘yun.
2. HUWAG MAGPAUTANG. Sabihin man nilang madamot ka, ‘wag mo na lang silang pansinin. Tandaan, hindi ka nagtatrabaho para lang utangan ng mga kamag-anak mong never kang kinumusta unless mangungutang sila. May limitasyon ang pagpapautang at depende ‘yun sa tindi ng pangangailangan. Kaya kung may history na hindi marunong magbayad ng utang ang taong ‘yan, ekis na talaga. Minsan kasi, ikaw pa itong nai-stress kapag hindi sila nakapagbayad on time.
3. LIMITAHAN ANG ONLINE SHOPPING. Walang masama sa online shopping dahil napaka-convenient nitong gawin, lalo na sa mga busy person. Ang masama ay ‘yung kinaadikan mo na ang pag-a-add to cart at kahit hindi mo naman kailangan ‘yung item ay binibili mo pa rin. Kumbaga, kung ano’ng matripan mong bilhin ay binibili mo o wala kang control sa paggastos. So this 2023, spend your money wisely. Magkaiba kasi ‘yung needs sa wants.
4. MAGLAAN NG PERA PARA SA SAVINGS. Sabi nga nila, “Kapag may isinuksok, may madudukot.” Napakahalaga ng pagkakaroon ng savings dahil magagamit mo ito in the future or in case of emergency. Ayaw mo naman sigurong dumating sa point na kung kani-kaninong kamag-anak at kaibigan ka pa magmamakaawa para lamang mangutang once kailanganin mo ng pera, ‘di ba?
So, beshie, kalimutan mo na ang pagiging magastos at simulan mo nang mag-ipon. Every cent counts, kaya mainam na salubungin ang 2023 na may kumakalansing na mga barya sa ‘ting bulsa at daan-daang piso sa ‘ting makapal na wallet. Sabay-sabay nating i-manifest ang more savings to come this 2023!
Okie?