ni Mharose Almirañez | January 22, 2023
Kapag kukuha ka ng real estate property inside Metro Manila, yes sa pagbili ng condominium, lalo na kung malapit lamang ito sa ‘yong pinagtatrabahuan. Bukod sa makakatipid ka sa gas o pamasahe, hindi ka na rin mahihirapang bumiyahe nang malayo at ma-stress sa napakahabang traffic tuwing papasok at uuwi sa trabaho. Napaka-convenient din nito, lalo na sa mga city-type of person dahil mas madali silang nakakapunta sa magkakalapit na bar, mall, clinic atbp.
Kapag kukuha ka naman ng property outside Metro Manila, mas mainam kung house and lot, dahil bukod sa mas mura ang lupa rito ay lifetime ownership din ang mapanghahawakan mo. Puwede n’yo rito idaos ang mga malakihang family reunion o iba pang family gathering. Perfect din ito gawing rest house o retirement place dahil malayo sa polusyong dala ng city.
Matatandaang, nauna na nating tinalakay ang “Mahahalagang bagay na dapat ikonsidera kung bibili ng bahay,” ngayon naman ay pag-usapan natin ang mga dapat malaman sa pagbili ng real estate property, anu-ano nga ba ito?
1. MAY FREE ACCESS SA AMENITIES. Puwede mong magamit nang libre ang swimming pool, playground, fitness gym, entertainment area, at iba pang amenities na provided para sa mga residente. Isipin mo na lamang na kasama sa monthly dues mo ang ibinabayad dito.
2. KAILANGAN MUNA NG PERMIT BAGO MAGPA-REPAIR. Para ito sa mga gustong magpa-renovate dahil gusto nilang baguhin ang interior design ng unit. Tandaang hindi ka puwedeng basta magkumpuni ng kahit ano sa property na ‘yan, lalo’t hindi ka pa fully paid. Take note mo na rin na kada kilos sa pag-asikaso ng papeles para sa permit ay may kaukulang bayad.
3. MAY IBA PANG MGA BABAYARAN. Bukod sa pagbabayad sa property developer at Pag-IBIG o bank financing, magbabayad ka muna ng move-in fee bago makalipat. Asahan mo na rin ang additional charges para sa garbage collection, parking, homeowners association, maintenance, property tax o amilyar, atbp.
4. PUWEDENG GAWING NEGOSYO. Kung business-minded ka ay pinakatamang desisyon na gawing paupahan o gawing Airbnb rental ang iyong unit, sapagkat ‘yung ibabayad sa ‘yo ng nangungupahan ang ibabayad mo naman sa property developer at loan financier. Ang kagandahan pa nito ay kumita ka na, at the same time ay ikaw pa ang magmamay-ari ng pinapaupahang property katagalan.
5. KAILANGANG REGULAR NA BISITAHIN ANG UNIT. Para ito sa mga bumili ng property as an additional investment. Kumbaga, kung wala pang gagamit ng unit ay kailangang may tumitingin pa rin dito regularly upang maiwasang pamugaran ng mga langgam, gagamba at iba pa. Mahirap din kung mamumuo ang mga alikabok sa inyong kagamitan at magkaroon ng puro agiw sa kisame. Kung may balcony ka, baka nadumihan na ‘yan ng mga ibon at napuno ng mga nalagas na dahon. Posible ring masiraan ka ng bintana dahil sa dumaang bagyo. Mainam talagang regular na bisitahin ang unit kahit hindi mo pa ito planong tirahan para makaiwas sa mas malaking expenses.
Para sa isang pamilya na nasanay mangupahan sa loob ng maraming taon ay dream come true na maituturing ang pagkakaroon ng sariling tahanan. Aminado tayo na hindi ganu’n kadaling makabili nito, dahil bukod sa pera ay kailangan mo ring magsumite ng napakaraming dokumento na makakapagpatunay sa kakayahan mong makapagbayad nito. Hindi rin porke nalipatan mo na ang bahay ay mapasasaiyo na agad ang titulo dahil kailangan mo munang magbayad ng ilang taon hanggang ma-fully paid ito at tuluyang maipangalan sa iyo.
Napakasarap sa feeling kapag mayroon kang privacy sa iyong sariling tahanan. ‘Yung tipong, hindi mo kailangang tumira kasama ang iba n’yong kamag-anak. Kumbaga, wala kang taong kailangang pakisamahan dahil malaya kang makakakilos sa iyong personal space.
Kaya sa fresh graduates, gawin n’yong goal ang pagpupundar nito, gayundin sa mga newly engaged couple na nagpaplano nang bumuo ng pamilya. Tandaang there’s no place like home. Okie?