ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Dec. 9, 2024
Dear Chief Acosta,
Maaari bang gamitin ang police blotter bilang ebidensya o patunay ng isang krimen? — Vika
Dear Vika,
Sa kasong PSI Darwin D. Valderas vs. Vilma O. Sulse, G.R. No. 205659, 09 Marso 2022, na isinulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Samuel H. Gaerlan, tinalakay ng ating Korte Suprema ang konsepto ng police blotter:
“A police blotter is a book which records criminal incidents reported to the police. It ‘contains the daily registry of all crime incident reports, official summaries of arrest, and other significant events reported in a police station.’ Jurisprudence holds that entries in the police blotter should not be given undue significance or probative value as they are not evidence of the truth of their contents but merely of the fact that they were recorded. Such entries are usually incomplete and inaccurate, sometimes from either partial suggestions or for want of suggestions or inquiries.
A police blotter is not a minutes of the events that happened within the four corners of a police station. Neither is it a journal that records whatever any person desires to be recorded. As an official police document, a police blotter must only contain the matters which are provided for in its definition – criminal incidents, official summaries of arrest, and other significant events reported to the police.”
Alinsunod dito, ang police blotter ay isang talaan ng mga insidente ng krimen na iniulat sa pulisya. Bukod dito, ito ay naglalaman ng rehistro ng opisyal na buod ng pag-aresto, at iba pang mahahalagang pangyayari na iniulat sa isang istasyon ng pulisya.
Kaugnay nito, nagkaroon ng pagkakataon na pinasyahan ng ating Korte Suprema na ang mga tala sa police blotter ay hindi dapat bigyan ng nararapat na kahalagahan o probative value dahil hindi ito katibayan ng katotohanan ng mga nilalaman nito, ngunit ito ay patunay lamang na ang insidente ay naitala sa pulisya. Ang ganitong mga tala ay karaniwang hindi kumpleto at hindi tumpak, kung minsan ay mula sa alinman sa bahagyang mga mungkahi o mga katanungan.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.